KABANATA 3

3.9K 173 23
                                    

[Kabanata 3 - Ang unang pagkikita]

Totoo pala na may spiritual realm. Lalo tuloy ako na-ccurious about sa kanila but, anyways may mas malaki pa akong problema na dapat harapin. Iyon ay kung paano ako makikisalamuha sa mga taong diko naman kilala at higit sa lahat kailan kaya ako makakabalik sa panahon ko.

I suddenly closed my eyes with my two hands because of the dazzling light that appeared out of nowhere and it blinds me. Then, I slowly open my eyes when that exaggerating light slowly disappears and a mirror-like thing appeared in front of me.

"Iyang nakikita mo ngayon ay ang portal papuntang year 1818 at diyan ka papasok para makapunta roon," sabi ng Goddess of the Time.

"Paano kung ayoko? Bakit di mo na lang diretsuhin papunta sa panahon ko sa year 2022? Ayoko hindi ako papasok diyan!"

"Selene please don't be so stubborn. Ilang beses ko bang uulitin na nagulo nga ang timeline niyo? Isang ulit ko pa talagang di ka na makakabalik sa panahon mo."

"Huy 'wag ka namang ganyan. Biro lang eh. Ayan na nga papasok na. But, wait... I'm scared paano kung mamatay ako sa panahon na yun? Paano kung doon na pala ang last ko?"

"Huwag ka ngang mag-overthink. Basta ako ang bahala sayo, bibisitahin kita palagi kaya 'wag ka ng mag-isip ng kung ano diyan. Stick to the plan na lang na magkunwari ka munang si Isabel."

"Pag pasok ko dito saan ako mapupunta? Saang lugar? Mamaya nasa diko na naman alam na lugar 'yan."

"Don't worry sa Manila ka mapupunta. Ito lang sinasabi ko sa'yo Selene, hindi ko hawak ang buhay mo at wala akong kakayahan alamin mangyayari sa buhay mo kaya please 'wag kang gumawa ng bagay na maaaring manganib ang buhay mo. Basta stick to the plan lang na magkunwaring si Isabel. Okay ba tayo roon?"

"Okay, pero promise mo pupuntahan mo ako agad tsaka bilisan mo paghahanap ng solusyon para makabalik na ako sa panahon ko. Ayoko magtagal sa makalumang panahon na iyon lalo na wala pa akong kaalam-alam sa buhay doon."

"I know. Bilisan mo na pumasok ka na sa portal at may time limit 'yan. Pag naglaho yan, maglalaho ka na sa mundong ito.

"Huy grabe naman! Oo ito na okay."

Humakbang na ako papalapit sa portal at dahan-dahan naman akong pumasok doon habang nakapikit ang mata. Kahit nakakatakot kailangan ko pa rin pumasok dahil ayoko naman mawala sa Earth. 

Maya-maya pa, biglang nasa kung saang lupalop na ako. I think this is palengke because andaming nagtitinda. 

May nakita rin akong naglalakad na mga guardia civil at mga taong bumibili. Andaming tao rin dito kaya wala naman sigurong nakahalata na bigla na lang ako nag-pop dito sa kalsada.

Lumapit naman ako sa ale na nagtitinda ng gulay at nagtanong kung saan ang lugar na ito. Kainis naman kasi bakit di na lang ako diniretso papunta sa mansion ni Isabel. Talagang gusto pa akong iligaw ng portal na 'yan.

"Uhmm... Excuse me po!"

Oo nga pala! Di sila nakakaintindi ng English.

"Anong kailangan mo hija? Sariwa pa itong pechay bumili ka na."

"Ahh ehh... May itatanong lang po sana ako."

"Ano iyon?"

"Kung saan po kaya mansyon ni Isabel? Este alam niyo po ba kung saan ang hacienda nila Isabel?"

"Sinong Isabel ang tinutukoy mo hija?"

Mygosh! Ang engot ko naman nakalimutan ko pa nga ano ang surname niya. Pero alam ko Gobernador-Heneral tatay niya 'yun na lang siguro baka alam niya.

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon