[Kabanata 30 - Si Maria]
Malapit na rin magdilim ang paligid ngunit narito pa rin ako sa labas. Hindi ko alam kung saan ako tutuloy. Pinagtabuyan ako ni Marco.
Sinubukan ko rin naman pumunta sa aming Hacienda ngunit ako rin ay pinagtabuyan ng aming mga tagapag-silbi.
Hindi ko sila masisisi dahil bukod sa mukha akong taong-grasa, hindi talaga makilala ang aking itsura.
Umupo na lamang ako sa may gilid dahil ansakit na rin ng paa ko kakalakad. Bigla namang mayroong nagrorondang isang guardia civil.
"¿Qué estás haciendo aquí? ¡Vete, mendigo apestoso! (What are you doing here? Go away, you stinky beggar!)"
Napatayo na lang ako sa inis at saka siya inirapan. Mendigo apestoso?! (Stinky beggar?!) Sino siya sa tingin niya para tawagin akong ganoon? Humanda saakin ang guardia civil na 'yan pag nakabalik na ako sa dati.
Umalis na lamang ako dahil wala na akong enerhiya pa para makipagtalo. Isa pa, baka ikulong pa niya ako sa piitan pag sinagot ko siya.
Nagsisipasukan na rin ang mga tao sa kanilang mga kubo. Sinubukan ko naman lumapit sa kanila upang makituloy ngunit nilalayuan lang nila ako.
Napabuntong-hininga na lang ako dahil ang nation's first love wala ng may gusto sa kanya. Parang dati lang ang mga tao pa ang lumalapit saakin para magpa-picture or fansign, tapos ngayon? Arrghh!
Pitong kubo na rin ang kinatukan ko ngunit wala pa rin ang may gustong patuluyin ako. Huli na ito, kapag ako hindi pinatuloy dito, wala na akong magagawa kundi sa kalsada na lang matulog.
"Tao po!"
Kumatok ako sa pinaka-huling kubo na narito at saka may nagbukas na isang lalaking sa tingin ko ay isang Pilipino.
"Ano pong kailangan ninyo?"
"Nais ko pong manghingi ng tulong sa inyo. Wala po kasi akong matuluyan ngayon. Kung maaari po sana ako po'y inyong patuluyin kahit ngayong gabi lamang."
Mayroon siyang tinawag na sa tingin ko ay kasama niya rito.
"Maria!"
"Ano iyon?"
Nagulat naman ako dahil yung tinawag niyang Maria ay ang kapatid ni Felipe.
"Maria? Ikaw nga!"
"A-Ano pong kailangan ninyo, Binibini?"
"Hindi mo ba ako naaalala? Ako ito si Maria Isabel. Ako yung tumulong sa iyo noon sa Simbahan upang ikaw ay makatakas."
"N-Ngunit... Ang kilala kong Maria Isabel ay..."
"Oo marahil nagtataka ka kung bakit ganito ang itsura ko ngayon pero, mahirap lamang ipaliwanag bakit ako nagka-ganito ngayon. Nais kong humingi ng tulong sa inyo. Kung maaari, ako sana'y inyong patuluyin kahit ngayong gabi lamang. Pakiusap."
"Halika tumuloy ka, Binibini."
Napangiti naman ako dahil ako ay kanilang pinatuloy. Pagkapasok ko, pinaupo nila ako at binigyan ako ni Maria ng maiinom na tubig.
"Hindi ko lubos na maunawaan kung bakit nangyari sa iyo ito, Binibini."
"Maraming salamat. Nakaka-istorbo tuloy ako sa inyo ngayon."
"Andres, bigyan mo ng makakain ang Binibini. Alam kong ikaw ay nagugutom na."
Andres? Naalala ko sinabi niya iyon sa sinulat niyang liham kay Padre Urdaneta. Naisip ko namang siya rin siguro yung nakasama ni Maria na umalis noon sa San Pablo at iniwan nila ang sanggol.
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...