KABANATA 18

1.7K 86 16
                                    

[Kabanata 18 - Ang pagkakakilanlan ni Selene]

Hindi mawaglit sa aking isipan ang kalagayan ni Marco. Narito ako ngayon sa kwarto niya at kasalukuyang sinusuri siya ngayon ng isang manggagamot.

Matapos suriin, lumapit saakin ang manggagamot.

"Binibini, mabuti na ang kalagayan ng Prinsipe. Kailangan niya na lamang muna ng pahinga. Ito'y iyong pakuluan at ipainom sa kanya sa oras na siya ay magising."

Iniabot saakin ng manggagamot ang isang herbal na gamot.

"Salamat po. Uhmm kung maaari po'y huwag niyo po sana ipaalam sa kahit sino ang nangyari ngayon sa Prinsipe."

"Masusunod, Binibini."

Umalis na ang manggagamot saka ko tinawag si Manang Rosario upang pakuluan niya na ang herbal na gamot.

Kinuha naman na niya ito at saka dumiretso sa kusina. Naiwan ako ditong nakatayo sa harap ni Marco.

Maya-maya pa, napalingon ako sa likod ko dahil nandito pala ang Goddess of Time.

"Kamusta po kayo? Ano pong nangyari? Sino ang masamang nilalang na iyon?"

"Kaya ako naparito upang ipagbigay alam sa iyo ang nangyari. Nalaman na ng mga masasamang anghel na hinahanap mo rin ang mahiwagang bato at ang tumugis sa iyo kahapon ay isa sa mga kasapi nila."

"Paano po nila nalaman na hinahanap ko rin po iyon?"

"Iyon ay nalaman nila dahil minamatyagan nila si Valentina. Nakita ka nilang nakikipag-agawan sa kanya kaya ang akala nila'y nasa iyo na ang mahiwagang bato na iyon."

"Wala po saakin ang mahiwagang bato. Nasa kamay ko na sana iyon kaso umepal si Valentina, sinabunutan niya ako kaya nalaglag ko iyon sa umaagos na batis. Hindi ko na po alam kung saan na napadpad ang mahiwagang batong iyon."

"Ako na lamang ang bahala sa paghahanap. Sa ngayon, kailangan mong mag-ingat. Hindi ko napaslang ang masamang anghel na iyon dahil siya ay tumakas kaya maaaring atakihin ka nilang muli. Ito suotin mo ang kuwintas na ito, pprotektahan ka niyan laban sa mga masasamang anghel."

Iniabot niya saakin ang kuwintas na gold pearl pendant. Sinuot ko naman ito at nagulat ako nang bigla itong umilaw.

"Bakit po ito umiilaw?"

"Sa ngayon lamang 'yan. Tanda iyan na ikaw na ang nagmamay-ari ng kuwintas na 'yan. Ang kuwintas na 'yan ay iilaw kapag mayroong panganib na paparating kasama na roon ang masasamang anghel. Isa pa, sino ang lalaking ito?"

"Siya ang Prinsipe. Bakit hindi mo siya kilala?"

"Hindi maganda ang kutob ko sa lalaking 'yan. Tandaan mo Selene, hindi maaaring mahulog ang loob mo sa mga tao rito sapagkat hindi naman kayo parehas ng panahon. Ang mahalaga makabalik ka sa sarili mong panahon at maayos na lahat ang gulong iniwan saakin. Sige na aalis na ako. Tandaan mo ang lahat ng sinabi ko."

"M-Masusunod."

Umalis na ang Goddess of Time at napahawak ako sa kuwintas na binigay niya saakin. Nawala na ang ilaw nito. Nagulat naman ako nang biglang may humawak sa kamay ko.

"Sino ang nilalang na iyon?"

Napaharap ako dahil gising na pala si Marco. Tinanggal ko ang kamay niyang nakahawak saakin.

"Gising ka na pala. Uminom ka na ng gamot mo."

"Ikaw ay aking tinatanong. Sino ang nilalang na iyon?"

Sino ba ang tinutukoy niya yung masamang anghel ba o ang Goddess of time? Mygosh! Don't tell me nakita niya ang Goddess of Time?

"Y-Yung nanakit ba sa iyo na panget na walang mukha na nakasuot ng itim?"

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon