[Kabanata 36 - Ang pagbabago ng Prinsipe]
Sa ngayon, sigurado akong pinaghahanap na ako ng mga guardia civil.
Wala namang ibang magtatanggol saakin na mayroong mataas na ranggo sa Gobyerno. Iniisip ko rin kung ano na ang nangyari kina Marco. Alam kong mayroon din silang plano ngunit, nauna na sila Simoun upang itakas ako. Palagay ko rin sa mga oras na ito ay hinahanap na rin nila ako.
"Mabuti at magpahinga ka na Isabel. Alam kong wala ka pang sapat na pahinga," sabi ni Jingyi.
Inihatid niya ako sa silid at saka isinara ang pinto. Nahiga na rin naman ako at napabuntong-hininga.
Napalingon akong muli sa pintuan dahil mayroong kumatok.
"Isabel, ako ito si Jingyi."
Agad naman akong tumayo at pinag-buksan siya ng pintuan. Bumungad siya saakin na mayroong dalang unan at kumot saka siya pumasok sa loob ng silid.
"Dito na muna ako matutulog sa tabi mo."
"B-Bakit?"
Nagbuntong-hininga naman siya saka ibinaba ang unan at kumot sa kama.
"Nag-aalala lamang ako sa iyo baka kung ano pa ang iyong gawin sa iyong sarili. Kaya mas mainam nang ikaw ay aking bantayan."
"Salamat. Ikaw talaga, hindi mo naman na kailangan pa akong bantayan. Hindi naman ako gagawa ng masama sa aking sarili."
"Osya matulog na tayo."
Natulog naman na kami at dahil katabi ko siya, parang nabunutan ako ng tinik sa puso dahil mayroong isang tulad ni Jingyi na nais akong damayan.
Sumapit ang umaga at ako'y gumising na. Napansin kong wala si Jingyi sa tabi ko at baka nauna na siyang gumising. Bumaba na lamang ako at nakita ko si Aling Liling na naghahanda ng umagahan.
Habang kami ay kumakain, nagsalita si Chenchen.
"Ako ay galing kanina sa palengke. Ngunit, wala akong narinig na balitang tungkol sa iyong pagkawala."
Sumunod namang nagsalita si Simoun.
"Mayroon akong nasagip na balita sa mga guardia-civil. Ang sabi nila ay patay na raw ang anak ng dating Gobernador-Heneral."
"Ano?! S-Sino raw?"
Napatigil naman kaming lahat sa pagkain at tumingin kay Simoun.
"Ikaw."
"Ano?! P-Paanong--"
"Nakasisiguro ka ba sa balitang iyan Simoun?" tanong ni Jingyi.
"Oo. Napadaan ako sa inyong bahay at kasalukuyang naghahanda na sila roon para sa iyong libing."
"H-Hindi! Kailangan kong pumunta roon."
"Ngunit delikado Isabel," sabi naman ni Jingyi.
"Huwag kayong mag-alala walang makakahalata saakin."
Kinagabihan, narito ako sa silid kasama si Jingyi at kasalukuyang nakaharap sa salamin. Ako ay nakasuot ng barong-tagalog. Pinusod ko rin ang aking buhok saka naglagay ng sumbrero.
"Isabel, sa iyong itsura ngayon ay mukha ka na nga talagang isang Ginoo."
"Ngayon, sa tingin ko handa na ako. Ako ay aalis na."
"Sandali! Hintayin mo muna sina Simoun at Chenchen."
"Hindi na. Ako na lamang. Kaya ko na ang aking sarili."
Aalis naman na ako nang bigla niyang hinatak ang aking kamay.
"Isabel... Lubhang mapanganib ang iyong gagawin. Kailangan mo ng kasama."
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Ficción históricaSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...