[Kabanata 25 - Ang kaarawan ni Isabel]
Sa Nobyembre pa talaga ang totoo kong kaarawan pero dahil ako si Isabel sa panahon na ito, ngayong Septyembre na ang aking kaarawan.
Naalala ko tuwing kaarawan ko sa panahon ko magigising akong maraming phone calls, messages, at mga gifts na pinadala ng mga fans at sponsors ko. Sobrang nattouch ako dahil sa mga messages ng mga fans ko through dm, yung iba nilalagay pa nila sa kanilang ig stories at minsan naka-post pa sa fb. Ngayon dahil nasa panahon ako ng pananakop ng Espanyol, wala na ang mga ito.
Bumangon na ako at nag-umpisa ng ihanda ang sarili. Hindi pa uso sa panahon na ito ang mga toiletries na ginagamit sa pagligo. Tanging ang Jabon de Castilla o Castile soap lamang ang ginagamit sa panahon na ito.
Ito ay kulay puti na bar na gawa mula sa olive oil at ito ay nagmula pa sa Espanya. Sa tagal ko rito, marami na akong natutunan tungkol sa ating kasaysayan. Oo mahirap mag-adjust sa una pero habang tumatagal, nasasanay na rin ako sa paraan ng pamumuhay dito.
"Isabel napaka-ganda mo," manghang sinabi ni Ningning.
Ako ay kasalukuyang nakaupo kaharap ng salamin. Nakapusod ang aking buhok, mayroon din akong mga nilagay na palamuti sa buhok. Naka-ayos na rin ang aking mukha gamit ang mga kolorete at higit sa lahat, ang aking kasuotan na binili ko kahapon.
"Tayo na naghihintay na ang lahat sa ibaba," sabi ni Ningning.
"Teka parang kinakabahan ako. Marami na bang tao?"
"Bumaba ako kanina at marami ng tao. Mga opisyales at mga mayayamang pamilya."
Malaki rin kasi ang Hacienda namin, kami ang may pinakamalaking hacienda sa buong Maynila kaya minsan, dito ginaganap ang mga importanteng pagtitipon dahil na rin siguro sa lawak nito.
Nag-umpisa na akong lumabas at abot hanggang dito sa itaas ang tunog ng musika. Mayroong nagpapatugtog ng piano, gitara, at plauta. Naglakad naman na ako at nagulat ako dahil nandito si Marco sa tuktok ng hagdan.
"Maaari ko bang mahawakan ang iyong kamay, binibini?"
Nilahad niya ang kamay niya at humawak naman ako rito saka nagsimula na kaming bumaba ng hagdan.
Nagpa-palakpakan ang mga tao at lahat sila ay nakatingin saamin habang bumababa. Nang makarating kami sa ibaba, sinalubong ako ni Ama at Ina at saka nila ako niyakap.
"Feliz cumpleaños hija mía (Happy Birthday, my daughter)," sabi ni Ina.
Sumunod namang bumati sina Ate Clara at Kuya Federico.
"Maligayang kaarawan aking kapatid," bati ni Ate Clara.
"Feliz cumpleaños a mi bella hermana menor (Happy birthday to my beautiful sibling)," bati naman ni Kuya Federico.
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...