[Kabanata 20 - Ang bagong miyembro ng Residencia]
Bumibilis ang tibok ng puso ko sa hindi alam na dahilan. Tumigil na ang pag-ilaw ng kuwintas ko at natapos na rin maitalagang bagong miyembro ng Residencia si Hermano Gabriel.
Si Ama ang nagtalaga sa kanya at siya na ngayon ang pinakabatang miyembro rito.
Nagsimula naman ng magkanya-kanya ang lahat. Mayroong nagsasayawan, nag-kkwentuhan, at kumakain.
Naiwan ako rito mag-isa dahil kasalukuyang may kinakausap si Marco. Si Ama ay abala sa pakikipag-usap sa ibang opisyales, si Ina naman ay gayundin na kasama ang kanyang mga amiga.
Pinuntahan ko na lamang si Ningning dahil wala siyang kasama roon at alam kong kanina pa siya binabagot.
"Ning! Okay ka lang ba diyan?"
"Bakit ka umalis roon? Huwag kang lumayo sa Prinsipe."
"Eh mayroon naman siyang kinakausap. Isa pa, wala rin akong makausap doon."
Napukaw ang pansin ko nang tinawag ako ni Justino.
"Hermana Isabel!"
"Justino! Anong ginagawa mo rito? Bakit mag-isa ka lang?"
"Syempre wala rin akong kasama tulad mo. Pinapatawag ka nga pala ni Hermana Mercedes doon."
Tinuro niya sina Mercedes na kasama sina Margarita, Gabriela, at walang iba na si Valentina. Nandito pala siya? Hindi ko man lang napansin. Magaling na pala siya.
"Ning dito ka na lang muna ah. Alam mo na mag-ddamoves ka pa kay Heneral Samuel."
"Isabel tumigil ka."
Tumawa naman ako at saka umalis na kasama si Justino. Pagkarating doon, tumingin silang lahat saakin.
"Isabel nariyan ka lang pala. Kanina pa kita hinahanap," sabi ni Mercedes.
"Bakit mo ba tinatawag pa 'yan Mercedes? Alam mo namang tinangka niyang paslangin si Valentina," sabi ni Gabriela.
"Nagkakamali kayo. Masyado naman kayong naniniwala sa chismis. Ako pa nga nagligtas diyan kay Valentina, tama ba ako Valentina?"
"Isa kang sinungaling. Tayo na, ayokong makasalamuha ang isang tulad niya," pagtataray ni Valentina sabay irap saakin.
Kailangan kong kumalma. Ayokong gumawa ng gulo rito. Inhale, Exhale.
"Mabuti kung ganoon. Tayo na Margarita at Mercedes," mataray na sinabi ni Gabriela.
"Kayo na lamang ang umalis. Sasamahan ko si Isabel," sabi naman ni Mercedes.
"Hay naku! Ang susungit niyo naman hindi naman kayo kagandahan," pagrereklamo ni Justino.
Natawa naman ako kay Justino at sinaway siya ni Mercedes. Lalo naman akong natawa sa reaksyon ni Gabriela at nagsalita ito.
"Pagsabihan mo ang iyong kapatid baka kung ano pa ang magawa ko sa batang 'yan, tayo na!"
Umalis na silang tatlo at naiwan kami ngayon dito ni Mercedes at Justino.
"Pagpasensyahan mo na sila Isabel. Masyado lamang silang nabulag sa mga maling impormasyon. Siya nga pala, kamusta ka naman? Ano ang nabalitaan kong ikaw ay dinakip?"
Kinuwento ko ang lahat ng nangyari saakin kay Mercedes ganundin sa pagkikita namin ni Simoun ngunit hindi ko sinabi sa kanya na mayroon na akong nararamdaman sa Prinsipe. Nag-aalala naman siya para saakin nang biglang kinurot ako ni Justino.
"Justino aray! Bakit 'yon?"
"Ang ahas."
"Huh? Saan?!"
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...