[Kabanata 7 - Ang batong nagmula sa buwan]
Napaka-ganda ng tanawin. Nandito ako ngayon sa isang lugar na may nagliliparang butterflies. It's like a garden filled with beautiful flowers with diamonds dahil kumikinang ang mga ito.
Mayroon ding mga tao na nakasuot na parang fairies at nakangiti silang tumitingin saakin habang inaasikaso ang mga halaman.
Bigla namang may lumipad palapit saakin na akala ko ay butterfly sa unang tingin pero tao pala ito! Wow! Ang cute niya! Sa Peter Pan ko lang napanood ito, I can't believe makakakita ako ng ganito in real life.
Sume-senyas naman yung lumilipad na fairy na parang ibig niya sabihin ay sundan ko siya kaya sinundan ko na lang siya.
Habang naglalakad, naririnig ko ang agos ng tubig at nakita ko na waterfalls pala iyon. Ang magical naman ng lugar dito. Ang payapa sa pakiramdam at parang gusto ko na lang tuloy mag-stay dito. Bigla namang umalis yung sinusundan kong fairy kanina.
"Saan ka pupunta bakit mo ako iniwan?"
Naiwan akong mag-isa rito hanggang sa may nagsalitang babae sa likod ko.
"Ano ba ang binilin ko sa 'yo Selene?"
"Goddess of Time! Nasaan po ako? Nandito po ba tayo ulit sa portal? Makakabalik na po ba ako sa panahon ko?"
"Sa ngayon hindi pa. Sagutin mo muna ang tanong ko bakit ka lumalabas at gumagawa pa ng ika-papahamak mo?"
"Eh kayo po kasi eh, antagal niyo. Hindi na po ako makapag-hintay na makabalik sa panahon ko. Alam niyo po bang ilang beses na akong muntik mamatay? Lalo na yung Prinsipe na 'yon! Speaking of him, bakit hindi niyo naman ako ininform na may kasalan palang magaganap?"
"Yan nga ang balak kong sabihin sa 'yo kaya kita pinuntahan. Bigla namang may gulong naganap at nabaril ka pa."
"Oo nga po pala bakit wala akong maramdaman tsaka nasaan yung sugat ko? Nakita niyo po ba sino bumaril saakin?"
"Pansamantala lang na nawala ang sugat mo dahil nandito ka sa Fairy land at nandito rin ang portal dahil sila ang taga-pangalaga nito. Hindi ko rin alam kung sino ang bumaril sa iyo dahil kakarating ko lang sa mga oras na iyon."
"Bakit niyo po pala ako pinuntahan? Nakahanap na po ba kayo ng solusyon para makabalik ako sa panahon ko?"
"Iyon na nga. Nakahanap na ako ng solusyon at iyon ay ang mahanap mo ang piraso ng bato mula sa buwan."
"Huh? Paano ko naman po mahahanap iyon? Hindi ko naman po alam ano itsura nun."
"Ito ay isang bato na hugis bilog na nagmula pa sa buwan at may kapangyarihan itong tumupad ng kahit na anong kahilingan. Kapag napasakamay mo na ito, maaari mo nang hilingin na makabalik ka sa panahon mo."
"Ang galing may ganyang klaseng bagay pala na nag-eexist. Saan ko po kaya mabibili 'yan?"
"Hindi nabibili ito at matagal na itong nasa kamay ng isang monghe na Chinese. Siya ang nag-aalaga sa batong iyon at wala ni isa ang nakaka-alam. Matagal na ring pinaghahanap iyon ng Hari ng China pero kahit saan ay hindi nila mahanap."
"What?! Chinese na monk? So mag-ttravel pa ako sa China para mahanap ko iyon?"
"Sa pagkaka-alam ko, wala siya sa bansang Tsina ngayon at kasalukuyang nasa Pilipinas. Magtatagal siya roon ng tatlong buwan kaya bago pa siya makabalik ng Tsina, dapat nahanap mo na kung nasaan siya."
"Ganoon ba, saan kaya siya banda sa Pilipinas? Tulungan mo naman po ako sa paghahanap."
"Palagay ko ay nasa Binondo siya dahil mayroon siyang kamag-anak doon na nag-nenegosyo. Hanapin mo na lamang ang kanyang mga kamag-anak. Huwag kang mag-alala dahil tutulungan naman kita sa paghahanap sa monghe na iyon."
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Fiksi SejarahSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...