KABANATA 31

994 49 8
                                    

[Kabanata 31 - Ang pagbabalik sa dating wangis]

Tumuloy ako sa Hacienda ng Prinsipe ngunit patago lamang. Nandito ako sa silid ni Marco at si Ningning lang ang nakakaalam na nandito ako.

Sinabi ko kay Marco ang tungkol kay Maria na kasulukuyang nandito siya sa Maynila. Nang malaman niya iyon, agad siyang nagpaalam saakin at pupuntahan daw nila ni Felipe si Maria. Mag-isa lang ako ngayon dito sa kanyang silid at narinig kong may kumatok sa pintuan.

"Selene, ako ito si Ningning," bulong niya. 

Tumayo naman ako upang buksan ang pintuan at pagkapasok niya, sinara ko na agad ito.

"Bakit ka nandito? Baka may makakita sa iyo na pumasok ka rito."

"Sinuri ko ang paligid bago kita puntahan. Ito kainin mo habang mainit pa. Binilinan ako ng Prinsipe na bigyan ka ng makakain bago sila umalis ni Felipe."

"Salamat. Uy Ning alam mo ba si Felipe ay hindi totoong Guardia Real ni Marco?"

"Eh ano?"

"Isa siyang Heneral sa Espanya kaya naman pala ganoon ang kanyang uniporme halos kaparehas ng kay Heneral Samuel."

"Ganoon ba? Oo nga pala Selene. Pagka-alis ni Prinsipe Marco at ni Felipe... Ni Ginoong Felipe, nakita ko si Isabel na umalis din."

"Naitanong mo ba kung saan siya pupunta?"

"Hindi eh. Sa kanyang kilos ay mukha siyang nagmamadali."

"Kung wala siya rito, maaari akong pumunta sa aking silid. Nandoon yung mga gamit ko, baka kung ano pa ang gawin niya sa mga 'yon."

Pasikreto kaming lumabas sa silid ni Marco at saka dumiretso sa silid ni Isabel. Agad kong tinignan sa drawer yung bag ko at buti na lang at hindi iyon nagalaw.

Napansin ko ring mayroong papel na nakapatong sa ibabaw nitong drawer kaya kinuha ko iyon.

"Ning diba ito yung binigay ni Simoun na liham noong kaarawan ko?"

"Oo iyan nga."

"Binasa niya na pala ito. Paano naman kaya niya nalaman ang tungkol sa liham na ito?"


Mahal kong Isabel,

Kami sana'y iyong maunawaan kung hindi kami makakadalo sa iyong kaarawan sapagkat kami ay nahihiya sa ginawa naming pagdakip sa iyo noong nakaraan. Kami sana'y iyong mapatawad sa aming nagawa. Kinailangan ko lamang gawin iyon upang ikaw ay mailigtas sa mga balak ng aming pinuno. Huwag kang mag-alala sapagkat lahat ay aking gagawin upang ikaw ay maprotektahan laban sa kanila kahit na sila pa ay aking mga kaanib at kaibigan. Hindi ko ito masasabi sa iyo ng harap-harapan kung kaya't inilahad ko na lamang ito sa pamamagitan ng isang liham. Maligayang Kaarawan sa iyo, Isabel.

Nagmamahal,

Simoun


Iyon pala ang dahilan kung bakit hindi ko sila nakitang dumalo sa kaarawan ko. Itiniklop ko namang muli ang liham at pinatong iyon sa lamesa ng ganoong ayos pa rin tulad ng kanina. Mukhang wala namang kahina-hinala rito kaya umalis na lang kami ni Ningning. 

Kinagabihan, dumating na sina Marco kasama si Maria at Andres. Naririnig ko sila sa ibaba na nag-uusap at dito muna sila tutuloy ng mga ilang araw. Binabalitaan naman ako ni Ningning kung ano ang nangyayari rito sa Hacienda.

Kumatok si Ningning sa pintuan kaya binuksan ko iyon. Mayroon siyang dalang tray na mga pagkain ngunit bago pa siya makapasok ay mayroong pumigil sa kanya.

"Tigil."

Napalingon si Ningning sa nagsalitang iyon at nagtago naman agad ako sa likod ng pintuan.

"Binibining Isabel."

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon