KABANATA 40

1.1K 48 6
                                    

[Kabanata 40 - Ang mga bagong opisyal at militar ng bayan]

Narito kaming lahat ngayon sa loob ng bahay. Ang Visitador-General ay kasalukuyang nasa opisina ni Marco at nag-uusap sila roon. 

Ang pamilya naman nina Samuel ay umuwi na upang doon pangalagaan si Justino.

"Ano ba talaga ang nangyari at bakit mo pinaslang ang Corregidor?" tanong ni Simoun.

"Sapagkat tinangka niyang paslangin si Valentina."

"Ano?!" sigaw ni Jingyi.

Ikinuwento niya saamin ang nangyari.

Mula nang sinugod niya ang Corregidor, takot na takot itong tumatakbo. Sakto namang may nabunggo itong isang babae na naka-taklob ng kapa dahilan para mapaupo siya sa kalsada.

Nahabol siya ni Chenchen at saka niya ito kinuwelyuhan. Nagmamakaawa ang Corregidor kay Chenchen na huwag siyang paslangin hanggang sa mayroong nagtapat ng kutsilyo sa leeg ng Corregidor.

Napatingin si Chenchen kung sino ang nagtapat ng kutsilyo at iyon ay si Valentina. 

Siya ang babaeng naka-taklob ng kapa at nabunggo ng Corregidor habang tumatakbo.

"Valentina!"

"Iwan mo na kami rito. Ako na ang bahalang pumaslang sa hayop na ito," mariing sambit niya.

Bigla namang lumuhod ang Corregidor sa harap ni Valentina at inamin nitong hindi niya ginusto ang nangyari.

Mayroon daw nag-utos sa kanya upang pagsamantalahan si Valentina.

Diniin ni Valentina ang kutsilyo sa leeg ng Corregidor at saka sumigaw.

"Sino ang nag-utos sa iyo?! Sabihin mo!"

"S-Si Binibining Gabriela at Binibining M-Mercedes."

Labis ang galit ni Valentina at tumakbo na lamang ito sa kung saan man. 

Hindi naman na nahabol ni Chenchen si Valentina dahil kailangan muna niyang maghiganti sa Corregidor. Doon niya tinangkang paslangin ito ngunit bago niya magawa iyon, mayroong dumating na mga guardia civil at saka siya nilabanan. 

Nakuha namang tumakas ng Corregidor habang kinakalaban ni Chenchen ang mga guardia civil. 

Dahil doon lumakas lalo ang loob ni Chenchen upang paslangin ang mga kalabang guardia civil.

Hinabol niyang muli ang Corregidor habang ang paligid ay mayroong labanang nagaganap.

Isa lang ang nais ni Chenchen. Iyon ay ang mapaslang niya ang Corregidor na iyon.

Habang tumatakbo ang Corregidor, mayroong tumamang palaso sa dibdib nito dahilan para may lumabas na dugo sa kanyang bibig hanggang sa napaluhod ito.

Agad namang tumakbo si Chenchen sa kanya at saka niya tinama ang kanyang espada sa leeg nito dahilan para lalong umubo ng dugo ang Corregidor. 

Wala na itong buhay na napahiga sa kalsada.



"Si Valentina? Nasaan si Valentina?" tanong ko. 

"Hindi ko rin alam. Sinubukan ko siyang hanapin ngunit, mapanganib na dahil biglang dumami ang kalaban. Tinulungan ko na lang ang ating mga kasamahang guardia."

"Hindi ko akalaing magagawa ni Mercedes iyon. Baka nilason lang ng Gabriela na iyon ang kanyang utak! At bakit naman kaya nila gagawin iyon kay Valentina?"

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon