KABANATA 24

1.3K 60 10
                                    

[Kabanata 24 - Ang paghahanda sa kasal]

Maraming iba't-ibang gamit ang mabibili rito sa pamilihan. May nagtitinda ng mga polseras, kasuotan na gawa sa silk, pamaypay, mga pagkain tulad ng rice cakes, tanghulu, at iba pa.

Iba talaga ang impluwensya ng mga Instik noon na hanggang ngayon ito pa rin ay ating napapakinabangan. Nakuha natin ang mga ito sa pamamagitan ng kalakalan at ang pinakamalaking kontribusyon naman nila sa ating kasaysayan ay ang 'Culinary Arts'.

Natapos na rin kami sa pamimili ng gagamitin kong damit sa kaarawan ko. Si Prinsesa Letizia ay hindi bumili dahil low quality daw ito at hindi ginagamit ng isang Prinsesa. Hindi ko naman siya masisisi dahil nga may dugong-bughaw siya at mayroon silang direktang pinagbibilhan ng mga supply.

Namiss ko tuloy bigla ang mga luxurious kong gamit tulad ng Chanel, Dior, Gucci, Hermes, at iba pa. Kung alam ko lang na mapupunta ako dito edi sana kinuha ko na buong closet ko kaso hindi pala pwede.

Dumating na ako sa hacienda at si Prinsesa Letizia ay nauna nang bumaba kanina sa hacienda ni Marco. Sinalubong naman ako ni Ina at nandito na raw ang taga-sukat ko para sa gagamitin kong damit sa kasal.

Isang Peninsulares ang nagsukat saakin at ito pa raw ay kanyang tatahiin sa Espanya. Hindi ko pa alam kung anong klaseng disenyo ang gagawin niya, tinanong ko naman siya kaso siya na raw ang bahala. Parang dati lang ako ang nag-ddecide ng mga susuotin kong gown. Masyado kasi akong metikulosa pagdating sa mga gown.

Pagkatapos akong sukatan, inutusan ako ni Ina na pumunta sa Iglesia de San Agustin dahil nais raw akong makausap ni Padre Urdaneta.

"Ayoko po, Ina. Sinabi ko naman po sa inyong may kakaiba po sa Padreng iyon bakit ayaw niyo po bang maniwala saakin?"

"Anak hindi ka maaaring tumanggi sa paanyaya ng Padre. Alam mong wala tayong laban sa Simbahan kahit na mataas pa ang tungkulin ng iyong Ama."

"Bakit naman po?"

"Dahil malakas ang impluwensiya ng Simbahan sa mga tao. Lahat ng kanilang sinasabi ay pinaniniwalaan dahil kasama nila ang Diyos sa mga adhikain."

"Pero alam po ba ninyong may mga Prayle rin na katulad ni Padre Urdaneta na may tinatagong kasamaan? Para po siyang si Padre Salvi sa nabasa kong libro sa Noli me Tangere."

"Iyan! Masyado kang nagpapaniwala sa mga nababasa mong libro. Anak tandaan mo malapit na ang iyong kasal at ikaw na ang magsisilbing ilaw ng tahanan kaya dapat marunong ka ng tumayo sa sarili mong paa at marunong rin makiramdam sa iyong paligid."

"Ina... Ayun naman po ang ginagawa ko. Kung iyon po ang inyong nais, ako po ay aalis na."

"Ikaw ay mag-iingat."

Wala naman na akong nagawa pa kundi sumunod na lang sa bilin ni Ina. Pupunta na ako sa Iglesia de San Agustin kung saan naroon si Padre Urdaneta. Ano bang pakay niya at nais niya akong pumunta roon?

Pagdating doon, lumakad na ako papunta sa kanyang opisina. Kumatok naman ako kaso walang sumasagot kaya pumasok na lang ako.

Pagpasok ko, wala palang tao kaya nilibot ko muna ang silid na ito. Habang tinitignan ang mga kagamitan, umagaw ng pansin ko ang isang papel na nakapatong sa ibabaw ng lamesa kaya ito'y aking kinuha. Binuksan ko naman ito at sa tingin ko'y isa itong liham.


Padre Urdaneta,

Ito ang huling liham na matatanggap mo mula saakin. Oo tumakas lamang ako ng walang paalam sapagkat masyado na akong nasasakal. Huwag kang mag-alala sapagkat hindi ko ipagsasabi na anak mo ang sanggol na ito. Nakikiusap akong lubayan mo na kami ni Andres, hayaan mo na kaming dalawa. Kahit na ikaw ay nagkasala saakin, pinapatawad na kita. Ngunit ito ang pakatatandaan mo, marahil ay napatawad na kita ngunit ang sala mo mula sa Panginoon ay hindi na magbabago.

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon