KABANATA 41

1K 44 19
                                    

[Kabanata 41 - Ang nawawalang Ama ni Simoun]

Marami ng mga tao ang nasa labas. Nagtataka, nag-uusap sa kung sino ang bibitayin. Mayroong nakasabit na lubid sa itaas ng entablado at mayroon ding mga guardia civil na nakapaligid. 

Narito kami ngayon sa itaas ng isang panuluyan. Nakatanaw sa bintana upang panoorin ang mangyayaring pagbitay. Kasama sina Marco, Felipe, Simoun, Heneral Samuel, at Chenchen.

Hanggang sa mayroon ng dalawang guardia civil na umakyat sa entablado hawak-hawak si Ate Clara at naka-taklob ng itim na saplot ang kanyang ulo. Nakatali rin ng lubid ang kanyang dalawang kamay.

Pinaluhod naman na siya ng dalawang guardia civil at saka tinanggal ang naka-saplot sa kanyang ulo. Ang kanyang itsura ay takot na takot habang ang mga taong manonood naman ay labis na nagulat. Kilala sa bayang ito si Ate Clara sa kanyang angking kahinhinan. Ngunit ngayon ay tila nabalot na ng kasamaan ang kanyang puso't isipan.

Mayroon naman nang nagpaputok ng baril hudyat na mag-uumpisa na ang pagbitay. Itinayo na si Ate Clara ng mga guardia civil at saka inilagay sa kanyang leeg ang lubid. 

Siya naman ay nagwawala ngunit pinipigilan siya ng guardia civil saka tinakpan ng tela ang kanyang bibig. Naghahabol siya ngayon ng hininga at bakas sa kanyang itsura ang labis na kaba.

Napansin ko namang nakatingin siya sa malayo hanggang sa mayroong tumulong luha sa kanyang pisngi. Ilang saglit pa, ibinaba na ng guardia civil ang kahoy dahilan para mawalan na ng tinatayuan si Ate Clara.

Minamasdan ko siya ngayong nag-aagaw buhay at pilit tinatanggal ang lubid sa kanyang leeg.

Agad ko namang kinuha ang pana na dala ko at kumuha ng palaso. 

Inilagay ko ang palasong iyon sa pana upang itama sa lubid na sumasakal kay Ate Clara. Nanginginig ng lubos ang aking kamay hanggang sa binitiwan ko na ang palaso. 

Tumama ito sa lubid dahilan para maputol ito at nalaglag si Ate Clara. Siya ngayon ay nakahiga sa kalsada at hindi na natuloy ang kanyang pagbitay. 

Agad namang naging alerto ang mga guardia civil upang tignan kung saan nanggaling ang palasong iyon. Ang mga kasama ko rito sa itaas ay gulat sa aking ginawa na may halo ring pagtataka.

Habang ako, nakatingin lamang sa naghahabol na hiningang si Ate Clara.

Hanggang sa isa-isa nang tumulo ang mga luha ko sa aking pisngi. Pinunasan ko naman ito at saka ibinaba ang pana. Tumakbo ako palabas upang puntahan si Ate Clara na ngayon ay nakaluhod itong nakatingin saakin.

"A-Ako sana'y iyong patawarin..." naiiyak na sambit nito.

Umupo naman ako upang siya'y kausapin.

"Ako rin sana'y iyong mapatawad dahil ninais kong gawin sa iyo ito."

Dahan-dahan siyang lumapit saakin ng nakaluhod hanggang sa ako'y kanyang niyakap.

"Patawarin mo ako. Masyadong nabalot ang aking puso ng inggit at selos... Na nalimutan nang ikaw ay aking sariling kapatid."

Hindi pa rin naman ako nagsasalita at patuloy pa rin ang aking mga luha sa pagpatak.

Hanggang sa ako'y kanyang itinulak sa gilid at nagwawala na ang mga tao sa paligid. Napalingon ako kay Ate Clara na ngayon ay may tamang palaso sa kanyang puso.

"Ate Claraaa!!"

Nanginginig itong hinawakan ang aking kamay habang duguan at nag-aagaw buhay.

"Ate Clara... "

"Isabel... A-Ang aking huling k-kahilingan... ay sana... Sa sumunod na buhay... K-kung may pagkakataon man... Nais kong ikaw pa rin...  Ang aking maging kapatid... At doon... Ikaw ay aking pprotektahan.... gagabayan at... m-mamahalin..."

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon