KABANATA 29

1K 50 15
                                    

[Kabanata 29 - Ang kakaibang wangis]

Lumisan na si Isabel sa silid na ito dahil siguro sa takot niya kay Marco. Sino ba namang hindi matatakot sa Prinsipeng ito? Ako lang yata ang tanging walang takot sa kanya. Pumasok naman dito si Felipe at nag-aalalang tumakbo papunta kay Marco.

"Marco, anong nangyari? Mayroon bang nanloob dito?"

"Wala. Walang nanloob ngunit, mayroong nag-taksil."

"Sino?"

"Kamusta ang pinapasuri ko sa iyo?"

"Tama ka nga. Mukhang ang lalaking Simoun nga na iyon ay isang kaanib ng mga pirata. Napag-alaman ko ring siya ang nagtama ng pana sa iyo noong kayo ni Isabel ay nanganganib."

"Paano mo nalaman ang tungkol dito?"

"Nabihag ko ang isa sa mga kasamahan niya. Narito siya."

Mayroon namang pumasok na dalawang guardia civil at hawak nila ang magkabilang kamay ng lalaking kanilang nabihag.

"Prinsipe Marco, ako'y iyong patawarin. Sinunod ko lamang ang utos ni Simoun na ipahiram sa kanya ang aking pana. Hindi ko po alam na sa inyo niya gagamitin ang panang iyon," nagmamaka-awang sinabi ng lalaki.

"Alam mo ba ang dahilan kung bakit niya ginawa iyon? Hindi niyo ba alam na kamatayan ang parusa sa magtatangkang pumatay sa Prinsipe?!" sabi naman ni Felipe.

"Hindi ko po alam ang dahilan kung bakit ngunit sa tingin ko po ay dahil iyon sa kanyang kasintahang nangngangalang Isabel."

"Kasintahan?"

"Hindi mo na ito kailangang tanungin Felipe. Maaari na kayong umalis."

"Ngunit... Ano ang gagawin ko sa bihag na ito?"

"Siya'y inyong paslangin."

Napakunot ang noo ko dahil sa sinabi ni Marco. Bakit bigla na lang siya nagiging ganyan? Kasalanan ito ng Isabel na iyon!

"Prinsipe Marco! Patawad! Maawa ka!" sigaw nung lalaki habang siya'y hinihila palabas ng opisina.

"Iyan ang kilala kong Prinsipe. Nakakapanibago, bakit bigla ka na lamang bumalik sa iyong dating gawi? Tsaka ano ang sinasabi ng bihag na iyon na kasintahan ni Simoun si Isabel?"

"Umalis ka na lamang. Mayroon pa akong mahalagang gagawin."

"Tama nga ako! Simula pa lang ay mayroon ng mali sa Isabel na 'yan. Lumalabas na ang kanyang tunay na ugali. Kaninang pagpasok ko rito ay nakita ko siyang pinaparusahan ang kanyang tagapag-silbi. Ito'y kanyang pinaluhod sa bilao ng asin."

Ano?! Huwag niyang sabihin na si Ningning 'yon?! Humanda saakin ang Isabel na 'yan!

Dali-dali akong lumabas upang tignan kung totoo nga ang sinabi ni Felipe. Pagbaba ko, nakita ko sina Manang Rosario at Manang Dolores na nakaluhod at sinasampal ni Isabel. Si Ningning naman ay nakaluhod sa bilao ng asin at si Rosa ay nakatayo lamang sa likod ni Isabel.

"Isa pang pagkakamali ninyo ay hindi lamang 'yan ang aabutin ninyo. Naiintindihan niyo ba?!"

"Masusunod po, Binibini," sabi nilang tatlo.

"Lalo ka ng Indio ka!" sigaw niya kay Ningning saka ito sinabunutan.

"Isa pang beses na marinig kitang walang paggalang saakin ay ipapatapon na kita! Kayong lahat! Mierda!" sigaw niya sabay bitiw sa buhok ni Ningning.

"Rosa ikaw na muna ang bahala sa mga aliping ito. Siguraduhin mong magdamag silang nakaluhod diyan hanggang sa sumapit ang dilim."

"Masusunod po, Binibini."

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon