[Kabanata 16 - Ang mga pirata at ang mahiwagang bato]
Nagising ako dahil sa ingay na parang tunog ng tubig. Nang imulat ko ang mata ko, nagtaka ako sa lugar kung nasaan ako.
Bakit ako nasa isang barko? Nakatali ang dalawang kamay ko sa likod ng poste ng barko. Naalala ko namang mayroon palang dumakip saakin.
Ngunit sino ang mga dumakip saakin? Anong kailangan nila? Ano ba naman ito hindi matapos-tapos ang mga pagsubok ko rito.
"Tulonggg!," sigaw ko.
Biglang may lumapit saakin na isang lalaki.
"Kapitan! Gising na ang Binibini."
Maya-maya, mayroong lumakad palapit saakin at dahan-dahan akong tumingala upang tignan siya. Napalaki ang mata ko dahil siya yung matandang lalaking nagtutok saakin ng espada noong sinugod kami sa Pampanga. Hindi pala sila mga rebelde kundi mga pirata!
"Pakawalan niyo ako rito! Mga walang hiya kayo!"
"Manahimik ka riyan! Hindi pa tapos ang misyon mo, Binibini. Baka nakakalimutan mo ang ating usapan."
"Wala akong pake!"
Nagulat naman ako nang bigla niya akong sinakal gamit ang kanyang kanang kamay.
"Gusto mo bang putulin ko ang iyong dila?!"
"B-Bitawan m-mo ako!"
Nakahinga naman ako ng maluwag nang binitawan niya na ang pagsakal niya sa akin.
"Kung hindi lang dahil kay Simoun matagal na kitang pinaslang."
Nagtaka ako dahil bakit nasama sa usapan si Simoun? Anong kinalaman niya rito?
"S-Simoun? Anong sinasabi mo? Kilala mo si Simoun?"
"Mukhang tama nga ang ibinalita saakin ni Simoun. Tunay ngang nawalan ka ng ala-ala. Isa kang walang silbi!"
"Ano ba ang kailangan niyo saakin at bakit niyo ako dinakip? Nasaan si Simoun?!"
"Wala si Simoun dito kaya wala kang mapaghi-hingian ng tulong. Ito lang ang sinasabi ko sa iyo, huwag mo akong pag-taksilan."
"Ano bang pinagsasasabi mo? Hindi kita maintindihan. May utang ba ako sa iyo kaya kayo ganyan?"
"Ikaw ang nanghingi ng tulong saamin upang maudlot ang pag-iisang dibdib ninyo ng Prinsipe. Nakuha mo ang iyong nais, nakasama mo si Simoun. Ngunit, mayroon iyong kapalit at iyon ay ang makuha ko ang kayamanan ng inyong pamilya. Pirasong papel lamang ang aking kailangan ngunit hindi mo maibigay!"
"Hindi kita maunawaan. Ngayon lang kita nakilala at hindi ako ang may utang sa iyo!"
"Kaya nga ikaw ay bumalik sa inyong hacienda upang kuhain ang papel ng inyong ari-arian! Ngunit masyado na yatang matagal ang paghihintay ko at mababalitaan kong masaya ka roon at ikakasal ka pa sa Prinsipe?!"
"Ano bang malay ko ha! Nawalan nga ako ng ala-ala diba shunga ka ba?!"
"Mukhang hindi lamang ala-ala ang nawala sa iyo kundi pati ang katinuan ng pag-iisip! Hindi ko lubos mawari kung bakit ipinag-tatanggol ka pa ni Simoun!"
Bakit ba parang may takot siya kay Simoun? Ano ba kasi niya si Simoun bakit ayaw niyang sabihin? Ano kaya kung gawin ko itong palusot para pakawalan niya na ako rito?
"Kapag hindi mo ako pinakawalan dito mayayari ka kay Simoun! Sa oras na malaman niya ang iyong ginawa sigurado akong hindi niya ito palalagpasin!"
Bigla naman siyang tumawa ng malakas gayundin ang ibang mga lalaki sa barko.
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...