KABANATA 8

2.6K 119 5
                                    

[Kabanata 8 - Sa binondo]

Narito ako ngayon sa silid ni Isabel. Nagmumuni habang nakatanaw sa bintana. Kakatapos lang din namin kumain ng hapunan at bumalik na sa kumbento si Ate Clara. Si Kuya Federico naman ay dito muna mananatili sa hacienda ng isang linggo bago pumunta ng Espanya dahil mayroon siyang trabaho roon.

Habang nagmumuni sa bintana, iniisip ko kung paano ko mahahanap ang monk na iyon. I need to find him bago pa siya makabalik sa China dahil kapag hindi ko siya naabutan, I guess that's my end. Hindi na ako makakabalik pa sa panahon ko at habambuhay na lang ako rito.

Naipasuri na rin pala ako sa manggagamot kanina. Binigyan ako ng gamot para mabilis maghilom ang sugat ko sa likod. 

Nagtataka nga yung manggagamot dahil bakit ambilis daw maghilom kahit na isang araw palang ang sugat ko. Napaisip ako na baka pinagaling ako ng isa sa mga diwata roon sa Fairy Land. Naawa siguro sila saakin.

Akala ko rin mabibisto ako na wala talagang amnesia. Nakakapagtaka dahil totoo nga raw na nawalan ako ng ala-ala. Through pulse lang nila sinusuri ang kondisyon ng isang tao rito. Hindi pa kasi uso sa panahon na ito yung mga machines para matukoy ang kalusugan ng tao. 

Binigyan din nila ako ng mga herbal na gamot upang makatulong sa pagbabalik ng ala-ala ko. Siguro yung mga fairies din ang may dahilan kung bakit hindi ako nabisto na wala talagang amnesia.

Kinabukasan, nagising ako ng maaga at nagpaalam kay Ama at Ina upang pumunta sa Binondo. Hindi naman sila pumayag sa una dahil ako raw ay nagpapagaling pa pero biglang dumating si Mercedes kaya naisip kong siya ang i-dahilan ko na kasama papuntang Binondo.

Pumayag naman sila basta raw ay huwag magpa-gabi. Pagkatapos ay lumabas na kaming dalawa at sumakay na sa isang karwahe.

"Mercedes, salamat ah dahil sa'yo pumayag si Ama at Ina."

"Wala iyon, Isabel. Alam naman nilang matalik tayong mag-kaibigan."

"Bakit ka nga pala pumunta sa amin?"

"Nais lamang kita bisitahin dahil nabalitaan ko ang nangyari sa 'yo sa Pampanga. Hindi ko naman akalain na mukhang magaling ka na pala."

"Hindi ko nga rin alam bakit ambilis ko gumaling siguro malakas lang mga anghel ko."

"Hahaha! Napaka-pilya mo talaga. Oo nga pala, balita ko ay naudlot na naman ang kasal ninyo ng Prinsipe tsaka bakit nga pala tayo pupunta sa Binondo?"

"Iyon nga eh. Ayoko rin naman ikasal sa kanya kaya ayos na rin iyon. Balak ko pumunta sa Binondo dahil ako lamang ay may bibilhin."

Hindi ko na lang sinabi kay Mercedes ang tungkol sa misyon kong hanapin ang monghe. 

Kahit na mukha naman siyang mabait at mapagkaka-tiwalaan, hindi ko pa kasi siya lubos na kilala at dahil na rin siguro may trust issue ako. Yung best friend ko kasi sa showbiz eh iyon bigla na lang ako binackstab kaya mas okay na rin itong nag-iingat ako sa mga taong makakasalamuha ko.

Matapos ang mahigit kalahating oras na biyahe, nakarating na rin kami sa Binondo. Grabe ang astig pala rito. Mukha siyang divisoria dahil andaming nagtitinda. Marami ring tao na nandito at palagay ko ay mga bumibili rin sila.

Pumasok naman kami sa isang bilihan ng libro or parang bookstore dahil may bibilhin daw si Mercedes. Nakasalubong namin sa loob ang pinsan daw niya na si Margarita. 

Nag-usap silang dalawa at nagpaalam akong pupunta lang doon sa may hilera ng mga libro o bookshelves kung tawagin. 

Malawak ang bookstore na ito at sabing ito raw ang pinaka-malaking bilihan ng mga libro na mula pa sa iba't-ibang bansa.

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon