[Kabanata 43 - Ang pagbabalik ni Gabriel]
Nagising akong mag-isa sa silid na ito. Napansin ko namang hindi ko silid ito at ito ang silid ni Marco.
Ngunit paanong...
Tinago ko agad ang aking sarili sa kumot at naalala ang nangyari kagabi. Dahil ito sa alak na hinalo ni Donya Esperanza sa inumin ko!
Nag-ayos naman na ako agad at saka pumunta sa opisina ni Marco. Wala siya roon kaya nagtanong ako sa mga guardia civil.
"Disculpe. ¿Sabe dónde está el Príncipe Marco? (Excuse me. Do you know where is Prince Marco?)"
"Está en la sala de reuniones y actualmente tiene una reunión con la Guardia Real, el General, el Coronel y el Teniente. (He is at the meeting room and currently has a meeting with the Royal Guard, General, Coronel, and Lieutenant)."
Nagpasalamat ako sa kanila at tumungo roon ngunit sarado ang pintuan kaya hindi ko na lang sila ginambala pa.
Tumungo na lamang ako sa kusina upang kumuha ng maiinom. Kumakalam na rin kasi ang aking tiyan sa gutom. Hangover yata ito.
Hanggang sa mayroong nanggulat sa aking likuran dahilan para mabuga ko yung iniinom kong tubig.
"Jingyi? Ningning? Ano ba naman kayo, nabuga ko tuloy ang iniinom ko."
"Paumanhin."
"Bakit kayo naparito?"
"Nais ka lamang namin sana yayain mamili ng regalo kay Valentina," sabi ni Jingyi.
"Para saan?"
"Ikakasal na sa sumunod na linggo si Valentina at si Kuya Chenchen."
"Ano? Kung gayon, tara na!"
Tumungo naman na kami sa labas upang mamili sa pamilihan.
Nang makarating sa pamilihan. Walang gaanong tao dahil siguro mga mamahalin ang binebenta sa lugar na ito.
Dumiretso kami sa nagkukumpulang mga tao sa harap pisara. May naka-paskil doon na larawan ni Kuya Gabriel.
"Hanggang ngayon ay hindi pa rin natutunton kung nasaan si Gabriel," sabi ni Jingyi.
"Alam ninyo, dalian na natin mamili. Delikado rin kasi na tayo lamang ang nasa labas gayong hindi pa pala siya natutunton."
Agad naman na kaming tumungo sa loob ng pamilihan ng mga damit at doon bumili ng regalo para kay Valentina at Chenchen.
Pagkabili namin, umalis na kami at tumungo na sa Palacio del Gobernador.
Pagkarating doon, napansin naming tapos na ang pagpupulong nila. Narito kami ngayon sa kusina at nakita ko si Marco na kausap sina Samuel, Felipe, Simoun, at Chenchen sa di kalayuan.
Napayuko na lamang ako nang biglang nagtagpo ang mata namin ni Marco. Nagtakip ako ng pamaypay sa aking mukha at pagtingin sa kanya, siya pa rin ay nakatingin saakin at nakangiti.
Napatalikod na lamang ako at nagtago sa likod ni Jingyi na ngayon ay kasalukuyang kumakain ng biskwit na pinadala ni Valentina kanina sa kanilang tagapag-silbi.
"Ang sarap nga ng biskwit na ito!"
"Naku mag-iingat sa biskwit na iyan. Dahil diyan..."
Napalingon naman si Jingyi at Ningning saakin.
"Dahil dito ano?" tanong ni Jingyi.
"W-Wala."
"Teka. Bakit ka nakatakip ng iyong mukha?" sabi ni Ningning sabay tanggal ng pamaypay na nakaharang sa aking mukha.
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...