[Kabanata 37 - Ang itim na mahika]
Sumapit ang umaga at hindi pa rin nagigising si Marco. Wala dito ang mga magulang nina Jingyi at sila ngayon ay kasalukuyang nasa Sulu. Si Simoun naman ay maagang pumunta sa lugar nilang mga pirata.
Nandito kami ngayon kumakain sa kusina ni Chenchen at Jingyi nang biglang may nagsalita saaming likuran.
"Ako ay aalis na," sabi ni Valentina.
"Gising ka na pala. Pasensya hindi na kita ginising. Halika umupo ka na at kumain na," sabi ko naman.
"Hindi na. Ako ay aalis na," sabi niya saka tumalikod paalis.
"Sandali Binibini!" sigaw ni Jingyi pero hindi naman siya lumingon at diretso pa rin sa paglakad hanggang sa nakalabas na siya.
"Hayaan mo na siya Jingyi. Ganyan talaga siya. Kaaway ko nga 'yan eh ewan ko bakit parang biglang bumabait."
"Ano nga ba ulit ang ngalan ng Binibining iyon?" tanong ni Chenchen.
"Bakit mo tinatanong? Tipo mo ano?" pang-aasar ko.
Napalunok naman siya at nagpatuloy na lang sa pagkain.
"Valentina... Valentina ang pangalan niya."
"Kung gayon, ako ay aalis na."
"Saan ka naman pupunta? Hindi ka pa tapos sa iyong pagkain," sabi ni Jingyi.
"Wala ka na roon."
Naglakad naman na siya at saka umalis.
"Siguraduhin mong makakauwing ligtas si Binibining Valentina ah!" sigaw ni Jingyi.
Napalingon naman si Chenchen at saka nagsalita.
"Sino ang nagsabing siya ay aking susundan? Ako lamang ay magpapahangin sa labas."
Nagpatuloy naman na siya sa kanyang paglalakad at saka kami tumawa ni Jingyi. Akalain mong makakahanap pala ng loveteam itong si Valentina rito. Pero ayos na rin iyon para di na siya maging bitter.
Sumapit ang hapon at wala pa ring malay si Marco. Ganoon na ba katindi ang pagpapatulog sa kanya ni Simoun?
Dumating naman na sina Simoun at Chenchen na may kasamang isang panauhin na Sangley. Nakasuot ito ng kulay orange na damit, wala itong buhok, at mayroong parang malaking kuwintas sa kanyang leeg.
Isa siyang monghe!
Mukhang familiar siya. S-Siya yung tinulungan ko noon sa Binondo na inaaway ng tindera! Yung napag-bintangan na ninakaw niya ang isang kuwintas!
Paanong nandito siya at kaano-ano siya nila Jingyi at Chenchen?
Lumapit si Jingyi sa kanila at saka siya nag-bow na parang Prinsesa. Ako naman ay nandito lang sa sulok at nagtatago.
Nag-uusap sila ng Chinese at hindi ko maintindihan. Ilang sandali pa, lumingon silang lahat saakin at saka sumenyas si Jingyi upang tawagin ako kaya ako'y lumapit.
Nag-bow saakin ang Chinese Monk na magkadikit ang mga palad. Ginaya ko naman ang ginawa niya saka nag-bow. Napangiti ito saakin at saka nagsalita. Hindi ko naman naintindihan iyon kaya kinausap ako ni Jingyi.
"Siya ang aming Maestro. Ang sabi niya ay kilala ka niya. Ikaw daw ang tumulong sa kanya noon sa Binondo. Dahil sa iyong itinulong, ano raw ang nais mong kapalit?"
"Ahh ehh... Pakisabi hindi ko ninanais ng kapalit. Maraming salamat."
Sinabi naman iyon ni Jingyi sa salitang Chinese. Napakunot naman ang noo ng Monghe at saka naglakad.
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...