KABANATA 14

1.7K 85 3
                                    

[Kabanata 14 - Ang masamang pangitain]

Matapos ang hapunan, inihatid ako ni tiya Liling sa kwartong pagtutuluyan ko.

Si Simoun naman ay aalis na sana ngunit hindi pumayag si tiya Liling dahil anong oras na at baka mapaano pa raw siya lalo't may mga nagroronda ng mga Guardia Civil sa paligid kaya dito na lang rin muna siya tutuloy.

Habang nagpapahinga sa kwarto, biglang may kumatok sa pintuan kaya tumayo ako at tinignan kung sino iyon.

Pagbukas ko ng pintuan, bumungad saakin si Simoun na may dalang mga pangunang lunas.

"Simoun? Bakit ka nandito?"

"Napansin kong mayroon kang iniindang sugat sa iyong tuhod. Palagay ko'y nakuha mo iyan nang ikaw ay nadapa."

"Ah eh wala lang naman ito parang kagat lang ng langgam."

"Maupo ka roon. Ikaw ay aking gagamutin mas maigi na rin upang iyan ay mabilis gumaling."

Wala naman na akong nagawa pa kundi gawin na lang kung ano ang nais niya. Humahapdi na rin kasi itong sugat ko kahit na gasgas lang naman.

Naupo ako sa upuan at saka niya inumpisahan punasan ang sugat ko saka nilagyan ng dahon na mukhang herbal.

Habang siya'y abala sa pagtapal sa sugat ko, tinitigan ko ang itsura niya dahil nakakaawa ang pag-iibigan nila ni Isabel.

Ano kaya mararamdaman niya kapag nalaman niyang hindi ako ang tunay na Isabel na sinisinta niya?

"Tapos na. Maaari ka ng magpahinga. Pasensya kung ikaw ay aking naistorbo."

"Naku! Ayos lang. Salamat ah. Salamat din pala sa pagtulong mo kanina."

"Wala iyon. Osya, ako ay aalis na. Ikaw ay magpahinga na."

Tumalikod na siya at saka umalis pero bago pa man niya maisara ang pinto, tinawag ko siya.

"Magandang Gabi!" bati ko.

"Magandang gabi rin," bati niya sabay ngiti saka isinara ang pinto.

Kinaumagahan, gumising ako ng maaga upang tumulong sa paghanda ng almusal. Sakto namang gising na rin si Jingyi at pupunta pala siya ng palengke kaya sinamahan ko siya.

"Sigurado ka ba Isabel? Malayo ang ating lalakarin dahil malayo rito ang palengke."

"Ayos lang. Bukod sa gusto kong tumulong, parang ehersisyo na rin ito."

"Osige tara na."

Nag-umpisa na kaming lumakad at mukhang totoo ngang malayo ang nilakad namin. Hindi naman masakit sa balat ang araw dahil wala pang global warming sa panahon na ito.

Habang kami ay nasa palengke, napansin kong dito rin ako napadpad noong may nakita akong ale na nagtitinda ng pechay na kasapi pala ng mga rebelde.

Mukhang kailangan kong mag-ingat dahil maaaring may makakita saakin dito.

"Uhmm Jingyi? Ito lang ba ang palengke na maaari nating pagbilhan?"

"Oo Isabel. Iisa lamang ang pamilihan dito sa Maynila."

Kaya pala edi sana hindi na lang ako sumama. Mukhang delikado ako rito baka may makakita pa saakin!

Habang namimili si Jingyi, pasimple akong nagtatago sa likuran niya. Napansin niya naman ito saka ako kinausap.

"Isabel mayroon ka bang pinagtataguan? Nais mo bang hintayin mo na lamang ako roon?" tinuro niya ang isang lugar na mukhang pawnshop.

"Pasensya na ah. Hindi kita matutulungan sa pamimili."

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon