KABANATA 23

1.4K 67 7
                                    

[Kabanata 23 - Ang Prinsesa ng Espanya]

Magdidilim na ang paligid ngunit wala pa ring dumadating kaya naisipan naming bumalik na papuntang Maynila.

Bago umalis ay inutusan ni Marco si Felipe na bumili ng makakain lalo na't malayo ang biyahe. Sabi ko rin naman ay bumili siya ng gatas ng baka o kambing para sa sanggol.

Lumipas ang kalahating oras at dumating na siya na may mga bitbit na pagkain. Pinainom ko naman muna ang sanggol ng gatas bago kami mag-biyahe.

Sumakay na lamang kami ng barko papuntang Maynila dahil mas mabilis ito kaysa sa karwahe.

Nandito na kami ngayon sa pier ng Maynila at bumaba na ng barko. Sumakay naman na kami ng karwahe papunta sa hacienda namin at pagdating doon ay parang abala ang mga tao kaya kinausap ko ang isa naming tagapag-silbi.

"Anong mayroon dito? Bakit parang abala ang lahat?"

"Binibini, narito po ang Prinsesa."

"Prinsesa?"

"Nandito ang Prinsesa?," tanong ni Marco.

"Opo."

Nagtinginan kami sa isa't-isa nina Marco at Felipe at dali-dali kaming pumunta sa kusina. Bumungad saamin sina Ama, Ina, Ate Clara, Kuya Federico, at ang isang babae na sa tingin ko siya ang tinutukoy na Prinsesa dahil na rin sa kasuotan niya. Kasalukuyang nakatayo silang lahat at palabas na sa kusina.

"Mi Hermano! (My Brother!)" sabi ng Prinsesa sabay takbo papunta kay Marco at niyakap ito.

"Por qué estás aquí de repente? (Why are you here all of a sudden?)"

"¿Por qué? No me extrañas? (Why? Don't you miss me?)"

"Saludos, Su Alteza Princesa Letizia (Greetings, your Highness Princess Letizia)" bati ni Felipe. Ngumiti naman ang Prinsesa bilang pagtanggap ng bati niya.

"Nuestro Padre me hizo venir aquí para presenciar tu boda con la hija del gobernador general, pero no sabía que ya tenías un hijo. (Our father made me come here to witness your wedding with the daughter of the Governor-General but, I didn't know you already have a child,)" sabi niya sabay lapit saakin at tinignan ang sanggol na bitbit ko.

"Ahh... Uhmm ... ¡Saludos, Alteza! (Ahh... Uhmm... G-Greetings your Highness!)" bati ko. Ngumiti naman siya at saka tinignan ako mula ulo hanggang paa.

"Sé que es bonita, pero ¿Por qué no controlaste tus emociones, Hermano? ¡Tuviste un hijo sin tener una boda primero! (I know she's pretty but, why didn't you control your emotions, brother? You had a child without having a wedding first!)"

"Estás equivocada, Princesa. Este no es su hijo ni mi hijo. Este es el hijo de la hermana de Felipe (Y-Youre mistaken, Princess. This is not his child nor my child. This is the child of Felipe's sister)," sabi ko.

"¿De Verdad? Entonces estoy equivocado (Really? Then, I'm wrong)."

"Letizia, ¿Podrías explicar la verdadera razón por la que viniste aquí? (Letizia, could you explain the real reason why you came here?)."

"Como lo que he dicho. Estoy aquí para presenciar su boda y como ustedes dos ya están aquí, vamos allí. (Like what I've said. I am here to witness your wedding and since you two are already here, let's go there and I will explain it to all of you)."

Dumiretso kaming lahat papuntang sala at nakaupo kaming lahat doon. Parang kapareha din ni Marco ang Prinsesa dahil masyadong ma-awtoridad.

Nakita ko naman si Ina na nakakunot ang noo saakin dahil siguro sa dala kong sanggol kaya iniabot ko na lang ito kay Felipe.

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon