[Kabanata 21 - Ang kura paroko ng Iglesia de San Agustin]
Nilisan na namin ang Hacienda Garcia at pumunta na sa aming Hacienda. Kasama ko si Marco at nagulat kami dahil andaming tao rito sa Hacienda na tila mayroong pagtitipon.
Kinausap ko ang isa sa aming mga babaeng tagapag-silbi kung ano ang nagaganap.
"Nagkaroon po ng aberya kanina sa kaarawan ni Ginoong Gabriel. Sa pagkaka-alam ko po, sumugod ang mga rebelde at mukhang mayroon pong pag-aaklas na naganap kaya narito po sila upang mag-usap usap ukol sa mga dapat gawin."
"Ganoon ba. Maraming Salamat. Oo nga pala kamusta sina Ama at Ina pati si Ningning? Wala naman bang nasaktan kanina?"
"Wala pong nangyari sa inyong Ama at Ina gayundin kay Ningning ngunit sa kasamaang palad, mayroon pong nangyari sa bunsong anak po nina Don Emilio. Justino po ata ngalan."
"Ano?! Anong nangyari kay Justino?"
"Iyon po ang hindi ko alam binibini."
Umalis naman na siya at tumuloy na sa kanyang mga gawain. Humarap ako kay Marco upang kausapin ito.
"Marco, kailangan kong malaman ano ang nangyari kay Justino. Isa pa, hindi mga rebelde ang lumusob kundi sila ay mga pirata. Sila rin ang lumusob sa atin noong nasa San Fernando tayo at tumalon pa tayo sa bangin. Sila rin ang dahilan ng pagdakip saakin."
"Huminahon ka lamang. Aking tatanungin sa kanila kung ano ang nangyari kay Justino. Hindi ko akalain na masasangkot ang mga pirata rito. Hindi ako makakapayag na silang muli ay may gagawing masama sa iyo. Alam kong ikaw ay pagod na. Saka mo na sabihin sa akin ang lahat ng nangyari sa iyo. Sa ngayon ay magpahinga ka na muna sa iyong silid."
Hindi naman na ako nagmatigas pa at pumunta na lang sa aking silid.
Pagpasok ko, nagulat ako dahil nandito sa aking silid sina Mercedes gayundin ang tatlong alipores na sina Gabriela, Margarita, at ang pinaka-iinisan kong si Valentina.
"Anong ginagawa niyo rito?"
"Isabel," sabi ni Mercedes saka siya lumapit saakin.
"Paumanhin kung pumasok kami rito ng walang pahintulot. Sapagkat sinabi ng mga nakakatanda na umakyat muna kami at pumunta sa iyong silid. Hindi naman namin akalain na wala ka pala rito. Saan ka ba nanggaling?," dagdag pa niya.
"Hindi na iyon mahalaga. Nasaan si Ningning nakita niyo ba siya?"
"Kanina ay nakita namin siya ngunit sa palagay ko ay tumutulong lamang siya sa ibang mga tagapag-silbi."
"Hoy Gabriela! Bitawan mo 'yan!," sigaw ko nang makita kong hawak niya ang phone ko.
"Ano ang bagay na ito? Saan mo ito nakuha?"
"Akin na nga yan!" sigaw ko sabay hablot ng phone ko.
"Hoy kayo nakikituloy na nga lang kayo rito sa silid ko mangengealam pa kayo!"
"Huwag kang mag-alala dahil hindi naman namin pakikialaman ang mga gamit ng isang tulad mo," pagtataray ni Valentina.
"Talaga lang ah eh ano 'yang tinatago mo sa likod mo?," sabi ko sabay hablot sa kamay niya. Nakita ko namang hawak niya ang lipstick ko kaya kinuha ko ito.
"Ayoko sa lahat pinakikialaman kung ano ang saakin! Anong mga kinuha niyo rito?!"
"Hoy Isabel! Masyado ka na yatang mapag-bintang hindi ka naman kagandahan!," sigaw ni Gabriela.
"Ahh ganun, pwes lumayas kayo rito ngayon din! Bago ko pa makalbo ang mga buhok ninyo!"
"Alam mo sumusobra ka ng babae ka!" sigaw ni Gabriela.
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...