KABANATA 35

1K 44 12
                                    

[Kabanata 35 - Ang maling bintang]

Kasalukuyang nakakulong ako ngayon dito sa loob ng piitan sa Fort Santiago. Kung saan narinig kong may mga pinarurusahan, sumisigaw, at nanghihingi ng tulong.

Mag-isa lamang akong nakakulong sa lugar na ito. Madilim, maalikabok, may mga sapot, at mayroon pa akong naririnig na tunog ng mga paniki. Nakaupo ako sa pinaka-sulok habang tulala at yakap ang sarili.

Bigla naman akong napatayo nang mayroong dumating na guardia civil. Binuksan nito ang kandado kaya lumapit ako sa kanya.

"Makakaalis na po ba ako rito?"

"Mayroon kang panauhin."

Napatingin naman ako sa mga dumating. Si Marco, Felipe, at Ningning. Umalis naman na ang guardia civil saka pumasok sa loob ng piitan silang tatlo.

"Selene!" sabi ni Ningning saka ako niyakap ng mahigpit.

"Bakit kayo naparito? Umalis na kayo baka madamay pa kayo."

"Maaari niyo ba muna kaming iwan sumandali ni Selene?" sabi ni Marco.

Tumango naman sina Felipe at Ningning saka tumalikod paalis.

"Umalis ka na baka makita pa kayo nung naninisi saakin at idamay pa niya kayo."

Nagulat na lang ako nang bigla niya akong niyakap.

"Itatakas kita rito."

"Sira ka ba?" sabi ko saka ko kinalas ang kanyang pagyakap.

"Hindi maaaring makulong ka rito. Kung ayaw mo, sasabihin ko na lamang na ako ang pumaslang sa iyong Ama nang sa gayon ay mapawalang-sala ka."

"Marco ano ka ba? Huwag mong gawin iyan! Mas mabuti pang makulong ako sa piitang ito kaysa makita kang nagdudusa rito."

"Alam mo bang kamatayan ang kapalit sa pagpaslang sa Gobernador-Heneral? Hindi ako makakapayag na ikaw ay mawala sa aking tabi!"

"Hindi. Hindi pwedeng may mangyari sa kahit na sino sa atin gayong wala naman tayong sala. Nasaan na ang sakristan na iyong sinasabi?"

"Pinaslang niya ang kanyang sarili."

"Ano?!"

"Sapagkat ayaw niyang malaman natin ang katotohanan at dahil sa ginawa niya, walang dudang kasabwat nga si Padre Urdaneta sa nangyaring pagpaslang sa iyong Ama."

"Tama ka kaya bakit pa tayo nagtatalo kung sino sa atin ang papalit kung alam naman natin kung sino talaga ang tunay na may sala."

"Paumanhin. Nadala lamang ako ng aking emosyon sapagkat hindi ko kayang makita kang nag-iisa sa malamig na lugar na ito. Kaya ikaw ay aming itatakas mamayang gabi hanggang sa makahanap na tayo ng matibay na ebidensiya laban kay Padre Urdaneta."

Dumating naman si Ningning at Felipe. Ibinigay saakin ni Ningning ang basket na puno ng pagkain.

"Nariyan ang iyong mga paboritong pagkain. Kung maaari lamang sana ay nais kitang samahan dito," naiiyak na sinabi ni Ningning.

"Ning huwag kang tumangis. Makakalaya rin ako rito."

"Mamaya na gaganapin ang paglilitis kay Isabel... K-Kay Selene," sabi naman ni Felipe.

"Nakakatuwa ka naman. Unang beses mo akong matawag sa totoo kong pangalan ah. Naniniwala ka na bang galing ako sa hinaharap?"

"Hindi."

"Sus! Bitter mo talaga."

Sinagi naman ako ni Ningning.

"Selene naman nakukuha mo pa ring magbiro sa ganiyang kalagayan mo."

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon