[Kabanata 33 - Ang madilim na bahagi ng Las Islas Filipinas]
Nakasakay kami ngayon sa isang karwahe at papunta sa sinasabi ni Marco na madilim na bahagi ng bansang ito.
Habang nasa daan, hindi ko alam na may ganitong lugar pala rito. Nadaanan namin ang isang malaking bukiran. Mukhang probinsya ang itsura rito. Mayroong nagsasaka, nagtatanim ng palay, nag-aararo at may nakita rin akong ilang mga kabataang nagtatampisaw sa putikan at humuhuli ng mga alimango.
Ilang saglit pa, naging masukal na ang daan at wala ng mga tao ang narito kundi puro malalaking damo na lamang na humaharang sa daan.
Sinara ko na lamang ang kurtina ng karwahe dahil baka may kung ano pang ahas na pumasok dito.
Maya-maya, tumigil na ang karwahe.
"Narito na tayo."
Bumaba na kami at tinignan ko ang kapaligiran. Maraming nakakulong sa piitan mapa-bata man, matanda, lalaki, o babae.
Mayroon namang mga nagbabantay na guardia civil dito ngunit sila ay mga nagbibisyo. Mayroong nakatayo na silungan nila na gawa sa nipa at kawayan. Nakaupo sila roon at mayroong malaking lamesa na may mga bote ng alak.
Napakunot ang noo ko dahil ang ilan sa mga guardia civil na naroon ay mayroong inaakbayang mga kababaihan na sa tingin ko ay mga bihag. Halata sa kanilang itsura na sila ay natatakot at napilitan lamang dahil sa mga guardia civil. Maglalakad na sana ako sa kanila upang sugurin ngunit hinawakan ni Marco ang bisig ko upang pigilan.
"Huwag ka ng lumapit sa kanila. Wala sa tino ang kanilang kaisipan ngayon."
"Hindi ako makakapayag na molestiyahin nila ang mga babaeng nariyan. Hindi mo ba nakikita? Natatakot sila sa maaaring gawin sa kanila ng mga guardia civil."
Napabuntong-hininga naman si Marco saka kami naglakad papunta sa kanila. Pagkalapit namin, mayroong isang guardia civil na tumayo at siya'y pageywang-geywang na may hawak pang bote ng alak.
"¿Quién eres tú? ¿Quieres unirte a nosotros? (Who are you? You wanna join us?)"
"Soy el Principe Marco (I'm Prince Marco)."
Bigla namang tumawa ang guardia civil at tinuturo-turo pa si Marco.
"¡Mirar! Hay alguien que actúa como un Príncipe aquí. (Look! There's someone acts like a Prince here)," sabi niya saka tumingin ang lahat saamin. Tumayo naman silang lahat na seryoso ang mukha.
"¿Qué es esto? ¿Quién se atrevió a venir a este lugar? (What is this? Who dared to come at this place?)"
Parang kahit anong oras naman ay maaaring saktan nila kami kaya di na ako nagdalawang-isip na magsalita.
"¿Estas loco? ¡Cómo se atreven a mirarnos así! ¿No nos conoces? (Are you crazy? How dare you all glare at us like that! Don't you know us?!)"
Lumapit saakin ang isa sa kanila at hinawakan ang balikat ko. Nakita ko namang napakagat-labi siya kaya sinampal ko siya ng malakas sa kanyang pisngi. Agad naman akong hinila ni Marco at nilagay sa kanyang likod ngunit humarap akong muli sa kanila.
"¡No te atrevas a tocarme! ¿No nos conoces? ¡Soy la hija del Gobernador-General y una vez que sepa todo esto, no dudará en matarlos a todos! (Don't you dare touch me! Don't you know us? I'm the daughter of Governor-General and once he knew about all of this, he won't hesitate to kill all of you!)"
Bigla naman silang nagtawanang lahat na parang mga sira ang ulo. Hindi ko alam kung dahil ba lasing sila o talagang ganito na ang kanilang ikinikilos.
"El Gobernador-General ya sabía sobre esto, ¡así que es mejor que regrese! (The Governor-General already knew about this so, you better go back!)"
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...