KABANATA 32

1.1K 50 12
                                    

[Kabanata 32 - Ang pusod ng kagubatan]

Narito ako ngayon sa loob at nagmumuni sa azotea. Napag-isipan kong kailangan kong maging malakas. Kailangan kong maging matapang sa mga susunod na mangyayari.

Hindi na ako ang tulad ng dati na mukhang walang alam sa lahat ng bagay. Kailangan kong panindigan ang imahe na pagiging isang malupit na Binibini tulad ni Isabel. Nang sa gayon, wala nang magtatangka pang ako'y kanilang bungguin.

"Selene? Bakit parang anlalim ng iyong iniisip?"

"Ning, may kailangan akong sabihin sa iyo."

"Ano iyon?"

"Mula ngayon hindi na ako ang kilala mong Selene. Kailangan kong maging tulad ni Isabel."

"Ano?"

"Mayroong mga taong nais kaming paghiwalayin ng Prinsipe."

"Sino naman ang walang hiyang magtatangka niyon?"

"Si Ate Clara."

"Ano?"

"Nais niyang mapasakanya si Marco. Ning sabihin mo nga saakin, totoo bang si Ate Clara ang dapat na ipapakasal kay Marco?"

"Wala akong alam tungkol sa bagay na iyan. Sa tingin ko ang iyong mga magulang ang dapat mong tanungin."

"Mukhang tama ka nga. May nais rin akong malaman sa kanila tungkol sa tunay kong mga magulang."

Napakunot ang noo ni Ningning dahil siguro naninibago sa kinikilos at sinasabi ko. Ayoko na magpasawalang-bahala. Ayokong magbulag-bulagan.

Nagpaalam ako kay Marco na pupunta sa aming Hacienda upang bisitahin si Ama at Ina. Gusto niya naman sumama kaso hindi ako pumayag dahil na rin sa kalagayan niya. Ayoko rin malaman niya ang tungkol kay Ate Clara. Kasama ko naman si Ningning sa pagpunta sa aming Hacienda.

Pagkarating doon, bumati saakin ang mga tagapag-silbi at tinanong ko kung nasaan si Ama at Ina.

"Ang inyo pong Ina ay nasa kanyang silid ngunit wala po rito ang inyong Ama. Siya po ay kasalukuyang nasa Hacienda Garcia."

"Ano? Bakit nandoon si Ama?"

"Mayroon po silang pagpupulong."

Napakunot ang noo ko dahil ngayong Biyernes na pala naisipan ni Ama magpulong. Tama ang kanyang ginawa dapat ay mas agahan nila ang kanilang pagpupulong bago sumapit ang linggo.

Dumiresto na kami ni Ningning sa itaas upang puntahan si Ina. Kumatok ako at pumasok na. Nakita ko namang mayroon siyang binuburdahan.

"Anak? Ano ang dahilan bakit ka napadalaw? Mayroon ka na bang magandang balita?"

"Ina naman... Iba po ang pinunta ko rito."

"Ganoon ba? Bueno, maupo ka."

Umupo naman na ako at saka nagsalita.

"Ina maaari niyo po bang sabihin saakin ang tungkol kay Ate Clara? Ano po ang dahilan bakit po siya pinadala ni Ama sa kumbento?"

Nakita ko namang napalunok ng hangin si Ina at hindi makatingin ng diretso saakin.

"Ang tungkol sa bagay na iyan, huwag mo nang alamin pa."

"Ina... Kailangan ko po iyon malaman. Dahil po ba ito sa kasal? Siya po ba talaga dapat ang ikakasal sa Prinsipe?"

Napatigil sa pagbuburda si Ina at napatingin saakin.

"Paanong? Ano ba ang iyong sinasabi?"

"Kung ayaw po ninyong sabihin ang dahilan, di na po kayo makaka-asang mayroon akong dadalhing magandang balita sa susunod."

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon