KABANATA 9

2.3K 119 16
                                    

[Kabanata 9 - Ang pagsibol ng pag-ibig]

Kasama ko ngayon si Mercedes at mukhang siya pa itong maraming nabili kaysa saakin na nag-imbita sa kanya gumala. Tanghali naman na at kumakalam na ang sikmura namin dahil sa gutom. Hindi rin kasi kami nakapag-almusal kanina dahil sa pagmamadali.

Pumunta kami sa may isang panciteria at doon napiling kumain. Habang naghihintay, nag-kwento si Mercedes tungkol sa pagka-kaibigan namin noon kaya tinanong ko na rin tungkol kay Valentina.

"Lima tayong magkakasama noon. Nagka-kilala tayo noong may pista sa Maynila at tayo'y sampung taong gulang pa lamang noon. Si Valentina ang madalas nating nakakasama lalo na sa mga kalokohan."

"Ano pala yung sinasabi ni Valentina kanina na nakipag-tanan daw ako sa isang Indiong hardinero?"

"Marahil siya'y iyong nalimot na dahil sa pagkawala ng iyong ala-ala pero mas mabuti na rin iyon dahil niloloko ka lamang ng indiong iyon."

"Sino ba kasi iyon?"

"Mas makakabuting huwag mo na lang alamin pa at baka siya pa ang may dahilan ng pagkawala ng iyong ala-ala. Maging masaya ka na lamang dahil magiging katipan mo na ang Prinsipeng pinapangarap ng mga kababaihan at kalimutan mo na lamang ang indiong iyon."

"Tama ka nga pero sino may sabing magiging katipan ko ang Prinsipe?"

"Isabel, hindi mo maaaring tanggihan iyon sapagkat isang kasalanan ang tumanggi sa utos ng Reyna ng Espanya."

"Tsk! Bakit ba kasi nandito ang Prinsipe na yan? Wala ba siyang pamilya sa Espanya?"

"Huminahon ka, Isabel. Huwag mong binabanggit ang tungkol sa pamilya ng Prinsipe lalo sa harapan niya. Masyadong sensitibo ang usaping iyan sa Prinsipe."

"Huh? Bakit? Ano bang meron?"

Lumipat ng upuan si Mercedes sa tabi ko dahil sensitibo raw ang usapin tungkol sa pamilya ng Prinsipe at hindi dapat basta-basta pinagku-kwentuhan.

"Mayroong nakapagsabi na hindi ang kasalukuyang Reyna ngayon ang tunay na Ina ng Prinsipe. Siya raw ay ang anak ng Hari sa isang hindi dugong bughaw, isang alipin sa palasyo."

"Ano?! Edi kalahating dugong bughaw lang pala siya?"

"Ano ka ba... Hinaan mo ang boses mo. Iyon lang naman ay sabi-sabi at walang patunay. Wala ring nakakaalam kung bakit siya pinadala ng Reyna rito."

Dahil sa sinabi ni Mercedes parang bigla akong na-curious sa Prinsipe. Totoo kaya ang sabi-sabi na iyon? At bakit nga ba siya nandito sa Pinas?

Dumating naman na ang order namin na pancit at kumain na kami. Feeling ko mas nabusog ako sa mga chismis ni Mercedes kaysa dito sa pancit na kinain ko.

Pagkatapos kumain, pumunta si Mercedes sa palikuran at naiwan lang ako mag-isa rito. Naisip ko naman ang tungkol sa monghe kung nasaan na siya. Baka kasi next time mahihirapan akong makabalik dito dahil strikto ang mga magulang ni Isabel. Nammroblema tuloy ako kung paano makakabalik dito. Baka maunahan pa ako ni Valentina niyan.

Maya-maya pa, tapos na rin kami kumain at tumayo na para umalis. Habang nag-hihintay ng karwahe pabalik sa aming mga hacienda, nakita namin si Samuel kasama ang ilan sa mga guardia civil. Tinawag naman ni Mercedes ang kuya niya at lumapit ito saamin.

"Hermano, mabuti at ika'y aming nakita. Kakatapos lang namin ni Isabel kumain at pabalik na kami ngayon sa hacienda."

"Kung gayon, kayo'y aking ihahatid na. Kailangan ko rin pumunta sa opisina dahil ako'y pinapatawag doon."

"Maligayang muling pagkikita, Samuel" bati ko.

Siya rin naman ay bumati at ngumiti saakin. Hindi ko naman mapigilan kiligin kaya tinakpan ko na lang ang mukha ko ng pamaypay.

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon