[Kabanata 27 - Ang kasabik-sabik na pag-iisang dibdib]
Ito na ang araw na pinaka-hihintay ko. Ang araw ng kasal. Hindi pa sumisikat ang araw, abala na ang lahat sa kanilang mga gawain. Hindi ako nakatulog ng maayos dahil hindi mapakali ang isip ko sa magaganap ngayong araw. Isang araw din kami hindi nagkita ni Marco dahil isa iyon sa mga tradisyon na dapat sundin.
Ako ay nag-umpisa ng mag-ayos ng aking sarili. Kasama ko si Ningning sa paghahanda at ilang beses na siyang umiyak sa diko alam na dahilan.
"Bakit ka na naman ba umiiyak Ning?" tanong ko habang sinusuklayan niya ang aking buhok sa harap ng salamin.
"Ako lamang ay labis na natutuwa para sa iyo Isabel."
"Huwag ka nang tumangis. Magkasama pa rin naman tayo kahit na kinasal na ako."
Pinunasan niya ang kanyang luha at saka suminghot. Natawa naman ako sa kanya dahil parang siya pa ang ikakasal kaysa saakin.
Mayroon namang kumatok sa aking kwarto at iyon ay si Ina na may bitbit na karton.
"Anak ito na ang iyong Vestido de novia (Wedding dress)."
Napatayo ako at binuksan ang karton. Napalaki ang mga mata ko sa labis na mangha dahil sa itsura palang ng tela ay mukhang mamahalin na.
"Ina... Napakaganda," naiiyak kong sinabi.
"Bueno, halika na suotin mo na ito at gusto kong ako ang unang makakakita sa iyong suot ang bestidang iyan."
Hindi naman na ako nag-atubili pa at sinuot ko na ito. Pagkatapos, hinarap ko na si Ina. Nakita kong manghang-mangha ang itsura ni Ina at Ningning.
"¡Mi hija! ¡Eres tan bella! (My daughter! You are so beautiful!)"
Naglakad ako papunta sa harap ng salamin at pati ako'y mangha sa aking sarili. Simple lamang ito. Kulay puti na fitted at ang manggas nito'y mahaba na may naka-burdang disenyo. Pinaupo ako ni Ina na ngayon ay pinipigilan ang kanyang mga luha na tumulo at saka isinuot sa aking ulo ang puting belo.
"Me recuerdo a mí mismo en ese entonces cuando tenía tu edad (I remember myself back then when I was your age). Ilang oras na lamang ang nalalabi at sa ibang bahay ka na nakatira, Anak."
Humarap naman ako kay Ina at hinawakan ang kanyang mga kamay.
"Ina, huwag po kayong mag-alala dahil kahit wala na po ako rito, bibisita pa rin po ako sa inyo."
"Sana sa iyong pagbisita ay mayroon ka nang dalang magandang balita," sabi ni Ina saka tumingin sa aking tiyan.
"Ina, anong magandang balita po?"
Nagsalita naman si Ningning.
"Magandang balitang mayroon ka ng supling na dinadala sa iyong sinapupunan."
"Ina naman..."
Nagtawanan naman si Ina at Ningning. Maya-maya, mayroong kumatok sa pintuan. Iyon ay si Ate Clara.
"Ate Clara," tawag ko saka siya lumapit sa kinaroroonan namin.
"Narito ka na pala Clara, ikaw na muna ang bahala sa iyong kapatid. Ako ay magbibihis na," sabi ni Ina saka siya umalis.
"Isabel ikaw ba talaga 'yan? Iba talaga kapag nakasuot na ng damit pang-kasal ang isang babae. Lalo itong gumaganda."
"Binibiro mo naman ako Ate Clara."
"Konting oras na lamang at ikakasal ka na. Ako pa talaga'y iyong naunahan hahaha!"
"Huwag ka pong mag-alala ikaw na po ang sumunod. Mayroon na bang nagpapatibok sa iyong puso?"
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...