[Kabanata 45 (Wakas) - Liwanag sa dilim]
[IKATLONG PANAUHAN]
Abala ang lahat sa pagliligpit ng set kung saan ang shooting place ng drama ni Selene sa San Fernando, Pampanga.
Kasalakuyang naroon siya sa dressing room at natutulog sa isang lamesa. Nilapitan naman siya ng kanyang Manager upang siya'y gisingin.
"Selene! Wake-up! We gotta go! You have press-con pa this night."
Nagising naman ito nang nakakunot ang noo at pinunasan ang kanyang mga luha sa pisngi.
"W-Why are you crying?"
Napatayo si Selene at bakas sa kanyang mukha ang labis na kalituhan.
"N-Nasaan ako? B-Bakit napunta ako rito?"
"Ano bang sinasabi mo? Nandito ka sa dressing room! And bilisan mo na dahil you have press-con pa."
"Si Marco? Nasaan si Marco?" naguguluhang tanong nito.
"Ano? Sinong Marco ba na sinasabi mo? Selene get together! Masyado ka namang nadala sa panaginip mo."
"P-Panaginip?"
Napaupo naman siya bigla at natulala.
"Hindi maaari... Hindi iyon isang panaginip lang... Totoo iyon! Anong araw na ngayon?"
"It's August 18, 2022! What are you talking about?"
Chineck ng kanyang manager ang noo ni Selene upang suriin ang kanyang temperatura.
"You don't have sick naman..."
Nabaling ang tingin nila nang biglang may pumasok sa dressing room at iyon ang kanyang assistant na si Mia.
"I have bad news!"
"What bad news? Kung dating rumor na naman 'yan ni Selene, I don't wanna hear it."
"Hindi. Patay na si Denise. She was found dead in her bed two hours ago."
"What?!"
"Sabi nag-suicide raw siya because of depression."
Napatayo muli si Selene at gulat din sa kanyang narinig na balita.
"Tama! Si Denise! Kailangan ko siyang puntahan!"
Nagmadali siyang umalis at tinatawag naman siya ng kanyang Manager upang pabalikin ngunit nakalabas na siya ng pintuan.
Ginamit niya ang sasakyan ng manager niya na si Emma at tumungo sa Makati kung saan naroon ang condo unit ni Denise.
Suot-suot pa rin niya ang baro't-saya na costume niya sa kanyang drama.
Pagdating doon, nag-park siya sa harap at dali-daling bumaba ng sasakyan.
Pinagtitinginan naman siya ng mga tao at pinipicturan din dahil nakita nila sa personal ang sikat na artistang si Selene.
Pagkarating niya sa condo unit ni Denise, mayroong NBI at kasalukuyang ini-imbestigahan ang pagkamatay nito.
Hindi naman siya makapasok sa loob dahil mayroong nakaharang na yellow line at ang mga pulis at investigators lamang ang maaaring makakapasok.
Paalis na sana siya nang biglang may tumabi sa kanya na puti ang kasuotan. Pagtingin niya isa iyong lalaki na parang nasa 20's ang edad.
"She didn't die because of depression," sabi nung lalaki.
"What do you mean?"
"Namatay siya kabayaran ng paggamit niya ng black magic. Nakipag-tulungan siya sa demonyo para maghiganti."
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...