KABANATA 11

2.3K 107 19
                                    

[Kabanata 11 - Mga matang singganda ng buwan]

Nandito kami ngayon sa sala ng panuluyan ni Marco. Si Ningning ay tumayo sa likuran ko dahil nakaka-bastos daw umupo ang isang tulad niyang alipin lamang sa harap ng Prinsipe. Pinipilit ko naman siya na umupo pero nagmamatigas siya kaya hinayaan ko na lang. May pinagmanahan pala itong si Bes sa pagiging stubborn.

Si Felipe na royal body guard ng Prinsipe ay nakatayo rin doon sa may gilid. Napag-planuhan namin ng Prinsipe na maki-cooperate kina Heneral Samuel. Iisa lang ang ebidensya na nakuha nila, isang kutsilyo na mukhang ginagamit sa sakahan. 

Iyon daw ang ginamit panaksak sa Gobernador-Heneral at nakita nila ito sa ilalim ng kama. Ang tanging pinag-hihinalaan nila ay ang mga rebelde dahil sila lang naman ang may nais gawin ang bagay na iyon. Mula nang paglusob nila sa kaarawan ni Valentina hanggang sa pagtangkang pagpatay sa Gobernador-Heneral, halatang may kilusang nabubuo laban sa pamahalaan.

Kinabukasan, umaga pa lang ay kumilos na ako dahil pupunta kami sa San Fernando sa Pampanga. Napag-usapan kasi namin ng Prinsipe na maaaring naroon ang kuta ng mga rebelde. Alam na rin ni Samuel ang tungkol dito at inatasan niya ang mga guardia civil sa  na mag-manman. Hindi siya sasama saamin sa San Fernando dahil maaaring bumalik ang taong nagtangkang pumatay sa Gobernador-Heneral.

Kasama ko naman si Ningning at habang naglalakad palabas ng hacienda, naalala ko yung liham ni Simoun na ngayong araw daw kami magkikita. Hindi ko naman na pinansin pa dahil mas importante itong gagawin kong misyon. Ayoko naman mag-aksaya ng oras sa taong hindi ko naman kilala at tsaka hindi naman ako ang kasintahan niya so bakit ako pupunta?

Pagkalabas namin, nakita naming may karwaheng nag-aabang sa harap ng hacienda. Nakatayo si Felipe sa labas at mukhang naghihintay.

Papasok na sana kami ni Ningning sa loob ng karwahe pero nagtaka ako bakit wala si Marco.

"Felipe, nasaan ang Prinsipe?"

"Nauna na ang Prinsipe sa Pampanga."

"Ano? Bakit?"

Bigla naman siyang natawa at mukhang nang-ttrip.

"Nang-ttrip ka ba? Eh kung sipain kaya kita diyan?"

"Bakit mo ba hinahanap ang Prinsipe? Ikaw ba ay may lihim na pagtingin sa kanya?"

"Hoy! Tumigil ka nga anong may lihim na pagtingin."

"Sa tuwing binabanggit ko ang Prinsipe, ang iyong pisngi ay tila nagiging singpula ng mansanas."

Sisipain ko na sana siya nang biglang sumingit si Ningning sa usapan.

"Tama ka nga riyan, Felipe. Palaging bukambibig ni Isabel ang Prinsipe. Tila hindi siya mabubuhay nang hindi niya nakikita si Prinsipe Marco."

"Hoy Ningning sino may sabing kampihan mo yang si Felipe?"

"Totoo naman ang kanyang sinabi. Ayaw mo pa kasi aminin na ikaw ay may lihim na pagtingin sa Prinsipe," sabi ni Felipe.

"Wala nga! Bakit ba ang kulit ninyo?"

Nagulat naman kami nang biglang may nagsalita. Nandiyan na pala si Marco.

"Anong kaganapan ito?"

"Si Isabel ay mayroong lihim---"

Agad ko namang tinakpan ang bibig ni Felipe dahil masyadong madulas ang bibig nito. Tinatanggal naman niya ang kamay ko pero hindi ko pa rin binibitawan hangga't hindi siya tumitigil. Mukha tuloy kaming nag-aaway na manok sa sabong.

"Masyado na yata kayong madikit sa isa't-isa," reklamo ni Marco.

Agad naman kami tumigil ni Felipe at nakita kong pinagpag niya ang damit niya na akala mo diring-diri saakin.

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon