KABANATA 39

1K 43 8
                                    

[Kabanata 39 - Ang pagtindig sa bayan]

"Siya na ba'y ating papaslangin?" seryosong sabi ni Ningning habang nakatapat kay Clara ang kanyang espada.

Si Jingyi naman ay handa na ring pakawalan anumang oras ang kanyang palaso kay Ate Clara.

"Hindi. Nais kong siya muna'y magdusa! Nais kong maiparamdam sa kanya ang pait ng aking paghihiganti!"

Agad ko siyang sinakal at halos wala na akong kontrol sa aking sarili. Nakita ko namang siya'y nawawalan na ng hininga ngunit binabalot talaga ang aking puso't-isipan ng galit.

Bigla namang mayroon kaming narinig na nanghihingi ng tulong dahilan para mabitiwan ko ang pagsakal ko sa kanya. Naghahabol siya ngayon ng kanyang hininga at agad nawalan ng malay. Madali namang hinawakan ni Jingyi ang mga kamay ni Ate Clara ng patalikod upang siya'y hindi makatakas.

Tinignan ko kung sino ang nanghihingi ng tulong at iyon ay ang Arsobispo.

Siya'y kasalukuyang nakaupo sa kalsada, takot na takot, at nanghihingi ng tulong. Nakita ko si Padre Urdaneta na nakatapat ang isang kutsilyo sa Arsobispo kaya agad namin sila pinuntahan ni Ningning.

Itinapat ni Ningning ang kanyang espada kay Padre Urdaneta dahilan para mabitiwan nito ng hawak niyang kutsilyo at lumingon saamin.

Ibinaba ko na lamang ang kamay ni Ningning na nakatapat sa leeg ng Padre.

"Hindi na Ningning. Ako na ang bahala sa demonyong ito."

Seryoso akong lumapit kay Padre Urdaneta at masama ang aking tingin sa kanya. Ang aking katawan ngayon ay tila wala ng bait at ang tanging umiiral lamang ay ang aking poot, hinagpis, at paghihiganti.

"Tao ba talaga ang aking nakikita ngayon? O di kaya'y... Isang demonyong nagkatawang-tao lamang?!"

"Lumayo ka!" natatakot niyang isinigaw.

Bigla naman akong natawa.

"Ano ngayon sa pakiramdam ang matakot? Wala ako pwesto upang pumaslang ng isang tulad mong Prayle kaya sinisugurado kong... Sa impyerno ka magdudusa!" sigaw ko sa kanya saka siya sinipa ng front kick.

Nawalan siya ng malay sa aking pagsipa at nakahiga ngayon sa kalsada.

"Ningning... Jingyi... Dalhin ninyo ang dalawang ito sa loob ng piitan," ma-awtoridad kong sinabi.

"Ngunit baka mayroong mga guardia civil doon."

"Sa nangyayari ngayon, sigurado akong wala ng nagbabantay doon. Madali! Bago pa sila magkaroon ng malay."

"Masusunod ngunit, paano ka? Hindi ka maaaring maiwan dito," sabi ni Ningning.

"Nakita ba ninyo ang ginawa ko? Kaya ko na ang aking sarili. Isa pa, kailangan kong ipagbigay alam sa kanila na may paparating na mga rebelde."

"Basta ipangako mong mag-iingat ka," nag-aalalang sinabi ni Jingyi.

"Oo, pangako. Kayo rin, mag-iingat kayo. Siguraduhin ninyong hindi sila makakatakas."

Nagsimula naman na silang maglakad habang akay si Ate Clara at Padre Urdaneta.

Tinulungan ko ang Arsobispo tumayo at siya'y nagpasalamat saakin.

"¡Gracias! ¡Muchas gracias por ayudarme! ¡Quiere matarme para convertirse en arzobispo! ¡Que el Señor te bendiga! (Thank you! Thank you so much for helping me! He wants to kill me so that he will become the Archbishop! May the Lord bless you!)"

"Ve ahora a un lugar seguro donde nadie pueda lastimarte. (Go now to a safe place where no one can hurt you)."

Agad tumakbo ang Arsobispo palayo at napalingon ako sa aking likuran. Wala na sina Marco, Felipe, Samuel, at Kuya Gabriel. Nasaan na sila?

Binuksan ko ang aking pouch na naglalaman ng mga bato at saka kinuha ang aking munting tirador.

Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon