[Kabanata 22 - Ang bayan ng San Pablo]
Nagmadali akong maglakad pabalik sa opisina kung nasaan si Ina. Nagulat naman siya saakin kung bakit ako natataranta.
Mabuti na lamang at mag-isa lang siya roon at wala yung isang sakristan na nandito kanina. Dali-dali kong hinila si Ina palabas ng Simbahan at nang makarating kami sa labas, pinahinto niya ako.
"¿Qué pasa contigo, Isabel? (What's wrong with you, Isabel?) Bakit ka nagmamadali?"
"Ina, kailangan na po natin lumisan dito ngayon din. Hindi po maganda ang kutob ko sa Padreng iyon kaya tara na po," sabi ko sabay hila sa kanya papasok sa loob ng karwahe.
Nagtataka pa rin naman saakin si Ina ngunit napilitan na siyang sumakay na rin sa loob ng karwahe. Nag-umpisa naman ng umandar ito pabalik sa aming hacienda.
"Anak, sabihin mo nga kung ano ang mali?"
"Lahat po ay may mali sa Padreng iyon. Mamayang pagdating ko na lamang po ito sasabihin sa inyo."
Pagdating sa hacienda, tinawag ako ni Ina sa kanyang silid upang ako'y kausapin. Sumunod naman ako sa kanya.
"Ngayong tayong dalawa na lamang ang narito, maaari mo na ba itong sabihin saakin?"
"Hindi niyo po ba napaghi-hinalaan ang Padreng iyon? Magtataka po kayo kung bakit ako lamang ang pinasama niya na sumunod sa kanya tapos alam niyo po ba akala ko sa harap ng maraming Santo niya ako babasbasan pero hindi. Sa loob ng isang silid niya po ako binasbasan tapos nagtanong pa po siya saakin kung mayroon na akong nagugustuhan."
"Anak... Ano ba ang iyong iniisip? Mali ang iyong ginagawa, alam mo bang isa siyang Padre na may basbas mula sa Panginoon?"
"Oo nga po pero hindi lang po iyon kasi... Mayroon po siyang dinakip na isang babae na may anak at kinulong pa po niya iyon sa isang silid."
"Hindi ko maunawaan ang iyong sinasabi. Maaaring nagkakamali ka lamang, anak. Bueno, ako ay magpapahinga na. Huwag ka nang mag-isip pa ng kung anuman."
"Hindi ko po ito iniisip lang..."
Hindi naman na ako pinansin ni Ina kaya lumabas na lang ako sa kuwarto niya pero naalala kong kailangan kong puntahan si Marco upang ipagbigay alam sa kanya ang tungkol sa bagay na iyon.
Kumatok akong muli sa silid ni Ina at saka ako nagpaalam. Pumayag naman siya at saka nagmadali na akong umalis.
Pagdating sa hacienda ni Marco, kumatok na ako at binuksan ito ni Felipe. Nandito na pala siya bakit ang bilis niya naman?
Pumasok na ako at kasalukuyang nasa opisina raw si Marco. Pumunta naman kami roon at nakita kong nakaupo siya at may sinusulat sa isang lamesa. Tinago naman niya agad ito nang makita ako.
"Isabel? Bakit ka nandito?"
"Mayroon lamang akong importanteng sasabihin sa inyo ni Felipe," sabi ko at napalingon saakin si Felipe.
"Ano iyon?," tanong ni Marco.
"Nalaman ko na kung sino ang dumukot sa inyong kapatid. Ito ay ang kura paroko sa Iglesia de San Agustin. Si Padre Urdaneta."
"Tungkol sa bagay na iyan, alam na namin na siya ang dumukot sa aming kapatid. Ngunit, paano mo nalaman ang tungkol dito?," nagtatakang tanong naman saakin ni Felipe.
"Ito'y aking sinabi kay Isabel. Mabuti na ring malaman niya ang tungkol sa bagay na ito," sabi ni Marco.
"At bakit kailangan naman malaman ng babaeng iyan?"
"Oy ikaw hindi pa rin nagbabago. Bugnutin pa rin ang ulo mo. Pinaglihi ka ba sa sama ng loob?"
Kumunot naman ang noo ni Felipe at halatang naaasar sa akin.
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...