[Kabanata 5 - Nagsimula sa tunggalian]
Bago pa tumirik ang araw, gumising na ako at bumangon. Balak kong pumunta sa Pampanga kung saan ang shooting place namin. Nagbabaka-sakali lang ako na baka may paraan doon para makabalik ako sa panahon ko.
Binuksan ko ang aparador at nagpalit ng damit. Pinili ko yung simpleng damit lang ni Isabel na kulay puti at may naka-burdang rosas sa saya. Napaka-complicated kasi ng mga damit dito. Hindi ko alam kung paano suotin, kailangan pa ng alalay.
Pagkatapos kong magpalit, kinuha ko yung bag ko at binalot iyon sa isang tela. Kinuha ko na rin yung lampara sa ibabaw ng lamesa at saka nagmadaling lumabas sa kwarto.
Kagabi ko pa ito napag-planuhan pagkatapos ng hapunan. Ayoko kasi makasal sa hambog na Prinsipeng 'yon. Nagsulat na rin ako ng liham at iniwan sa ibabaw ng lamesa katabi ng higaan ko. Mahirap na baka hanap-hanapin na naman nila ako at makatikim na naman ng sampal.
Kaibigan kong Ningning,
Patawad in advance kung mapapagalitan ka ni ama o ina ah. Aalis lamang ako at mawawala ng isang araw, huwag kang mag-alala dahil babalik din naman ako sumunod na araw. May kailangan lang ako gawing misyon kasama ang wonder pets. Ikaw na lamang ang magsabi kay ama at ina at sabihin mo na ring huwag sila mag-alala dahil mababait naman mga kasama ko. Labyu! Salamat!
Nagmamahal,
Selene, 'aka' Isabel
Habang naglalakad sa corridor bitbit ang tela at lampara, napansin ko namang walang katao-tao at for sure tulog pa ang lahat ng nandito.
Nang marating ko ang pintuan sa sala, napapadyak ako sa inis dahil naka-lock pala ang pintuan. Naisip ko namang baka may back door dito kaya naglakad na ako papunta sa kusina.
Nakakainis lang dahil naka-lock ulit yung pintuan! Wala na akong magagawa pa kundi lumabas na lang sa bintana. Binuksan ko ang bintana saka ko ibinato sa baba ang bitbit kong tela na may lamang bag ko. Madali lang naman ako makakalabas dahil first floor lang naman ito.
Pagkalabas ko ng bintana, sinara ko na iyon agad at saka nagpagpag ng saya. Kinuha ko naman yung tela na ibinato ko kanina at nagpatuloy na sa paglalakad.
Habang naglalakad, may naririnig akong kumakaluskos sa damuhan. Nataranta naman ako kaya nagmadali akong maglakad.
Bigla naman akong natisod at naibato ko yung dala kong lampara dahilan para mawalan ng sindi iyon. Antanga ko naman oh! Anong klaseng paa ba meron ako at shunga-shunga.
Hindi ko alam kung paano sindihan ang lamparang iyon kaya iniwan ko na lang saka nagpatuloy na ulit sa paglalakad. Napakalawak naman kasi ng hacienda na 'to, hindi ko tuloy alam kung saan banda labasan dito.
Napahinto na lang ako nang biglang may narinig na naman akong kumakaluskos sa damo. Nilingon ko kung saan galing ang kaluskos kaso hindi ko gaanong makita dahil madilim at tanging buwan lang ang nagsisilbing liwanag sa dilim.
Hindi ko na lang pinansin iyon dahil baka palaka lang 'yon or what. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad at nagulat ako nang biglang may nagtakip sa bibig ko.
Nagpupumiglas naman ako kaso hindi ko mapantayan ang lakas niya. Dinala niya ako sa likod ng isang malaking puno at humarap saakin habang takip pa rin ang bibig ko. Hindi ko naman makita kung sino siya dahil ang dilim ng lugar. Di rin ako makasigaw dahil ang higpit ng pagkaka-takip niya sa bibig ko.
"No te muevas (Don't move)."
Familiar ang boses niya. Don't tell me... Siya ang Prinsipe!
Tinignan kong mabuti ang itsura niya at tama nga ako! Siya ang hambog na Prinsipe. Pero bakit siya nandito? Anong ginagawa niya rito sa hardin namin ng ganitong oras?
BINABASA MO ANG
Eres Mi Luz de Luna (You are my Moonlight)
Historical FictionSelene has always lived a luxurious life. A famous actress known as the nation's first love. Not until she travelled back in time during Spanish invasion and met a mysterious Prince from Spain who wanted to kill her for revenge. Fate will bring them...