*Kurt's VP*
"Anong ginagawa mo dito? Bakit ka andito?" Tanong ko sa kanya na itsurang galit kahit hindi naman talaga.
"Hello? Mall kaya to, malamang nagshashopping." Sagot naman niya. Oo nga pala nasa mall pala kami ngayon.
"Eh bakit ka tumatakbo at hindi tumitingin sa dinadaanan mo?" Muli kong tanong at siyempre with suplado effect pa.
"Ahhhhh, oo nga pala" bigla niyang hinila ang kamay ko " bilis" sabi pa niya habang tumatakbo kami.
"Ano na namang kalokohan to?" Tanong ko habang tumatakbo parin kami.
"May humahabol sa akin kanina pa. they are like goons or something, basta they are so scary. Like waaahhh " Sabay upo niya sa tabi ng kotse at yuko.
"Eh ano kaya kung sumakay ka na agad sa kotse mo at umalis diba" sabi ko habang nakiupo na rin.
"Wala pa yung driver ko, nagtutulak pa ng cart ng pinamili ko." Sagot naman niya."waaahh ayun na sila." Sunod pa niyang sabi at nilingon ko anh mga lalaki sa medyo kalayuan kung nasaan kami.
Hinila ko ang kamay niya sabay sabing "Sakay sa kotse bilis, ako na magdadrive."
"Marunong ka ba?" Tanong niya.
"Oo, tingin mo sa akin" masungit kong sagot pero sa totoo lang hindi ako marunong. Tanging motor lang ang pinapagamit sa akin.
Wish me luck guys. Eto na. Parang NFS lang naman siguro to, ako pa naman ang #1player nun.
Hinawakan ko na ang manibela at nagsimula ng mag drive. Yeah beybi liliko na.
*bbbllllllllaaaaaggggsssshhhhhh*
"Omaygad! Marunong pala ha!" Inis niyang sabi.
Paano bumangga kami bago pa makaliko ang sasakyan. Ang bona ng sasakyan, kanina ko pa pinapaliko eh.
"Eh pangit handling ng kotse mo eh. Ano ba namang kotse to!" Galit effect.
"Ayan na talaga sila, omaygad!" At nahimatay ang bruha matapos lunginin ang mga lalaking humabahol sa kanya.
Paano na to? Baka mamaya patayin pa ako ng mga ito. Katawan palang eh mukhang isang dagan lang sa akin eh lasog na buto ko.Tsk.
Kasi naman bakit ko pa nakita tong isip batang bipolar na to ngayon, nadamay pa ko sa mga issues niya sa buhay. Bahala na!
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
RandomSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...