MEET REIN KRISTOFF, SIYA PO YUNG GWAPONG NASA PICTURE SA GILID ☺
*Andrei's POV*
andito na ako ngayon sa airplane. 11pm na, buti nalang nakapagkape na ako kanina. yun kasi ang pampatulog ko ehh. 1 hour before ako matulog kailangan magkape ako para tuloy tuloy ang tulog ko kaya tuloy yan medyo inaantok na ako kaya ipinikit na ang mata ko. good night :)
pero habang nakapikit ako, naisip ko lang, sad to say pero babay korea, hello philippines na ulit ampeg ko mamaya.
nakakabitin pero it was fun. kung hindi na nga lang sa koreanong hilaw na yun. nabawasan tuloy yung enjoyment ko. Akala ko sa unang araw lang siya eepal pero hindi.
*Random Flashback*
Pangalawang araw ko, gumala ako sa Gyeongbok Palace- nakakatuwa nga eh pinagsuot ako ng Hanbok (Traditonal Dress ng Korea).
Habang nagseselfie ako para iupload sa Facebook, IG, at twitter ko biglang nahagip ng camera ang pagmumukha niya. buti nalang at hindi siya umabot sa last shot. Nakaretrica kasi ako, yung multishot. 4 shots lang naman.
Habang gumagala ako dun sa palace palingon lingon ako sa paligid kasi baka nandiyan lanh siya sa may malapit at makita ako.
*********
Kinabukasan , Sa Hongdae naman ako nagpunta, Pumasyal muna ako sa mga gallery, craft shop, Arty Boutiques, at accesories shop habang inaantay ang gabi dahil highlight dito ang Live band sa street ng Hongik University tuwing gabi. Rock, jazz.
ang saya nga eh, kaso nag ingay si bakulaw. Tapos binalak pang makijamming sa mga tumutugtog. Kaya nung papalapit na siya sa harap para makijam which is nasa may banda kung saan din ako nakatayo, eh umeskapo na ako pauwi.
Kainis konti palang napanuod ko eh :( Tss hindi nga ako nakakatagal sa pinupuntahan ko dahil laging andun siya.
*******
Nung namili nga rin ako sa Dongdaemun at Insandong eh hindi parin pinalagpas, nasundan parin ako. May magnet ba kami sa katawan? bakit kung nasaan ako eh napupunta rin siya doon? Isa lang tuloy nabili mong Hanbok, kay sa akin lang, ginseng, korean seaweeds at soju nalang tuloy nabili ko para kay mama.
At eto pa ha, muntik ulit siyang masama sa selfie ko. aww gusto pa maging photobomber ehh.
pero lage namang may photobomber sa selfie ko ehh. misan lalaking nakatalikod, minsan naka-side view, tapos may nakayuko, at minsan isang lalaking naka cap at naka shades.
kainis hindi man lang ako makapa selfie ng selfie talaga, yung ako lang talaga at yung view ang makukuha sa camera.
************
Ah yung sa Lotte World pa pala, grabe parang kastilyo. ang ganda, feeling ko prinsesa ako habang nasa loob ako, tapos may umasungot na palaka este yung si Koreanong hilaw, nagpakita na naman. Parang multo eh, biglang sumusulpot. Buti nalang may selfie pa din ako sa harap ng Lotte World, may photobomber nga lang.
At hindi ko rin makakalimutan ang heart pounding ride ko sa Everland T Express at Gyro Drop sa Lotte World na para akong lumilipad talaga. Ang saya!
********
Nagpunta rin pala ako ng Namsan Tower o tinatawag din na Seoul tower, First time kong nag cable car at siyempre hindi pwedeng mawala ang selfie moment. Haha naka 20 photos ata ako dun. at last matatawag ko na talagang selfie ito.
Nasulit din ang 500 won ko dun sa malaking telescope na kita ang 360degrees view ng Seoul.
Nakita ko nga rin na ang daming lovers sa paligid. Nakaka inggit naman *pout* at teka tama ba yung nakikita ko? andito din na naman siya?
Hay. makababa na nga lang at makapunta sa First floor. Sa Love Lockers. Grabe andaming padlock. ipakilo ko na kaya ito sa magbabakal. Tiba tiba ako nito panigurado Haha joke lang. baka ipakulong ako dito ng di oras niyan. wag naman, mag aaral pa ako.
Naglagay nalang din ako ng Padlock na may nakasulat na name ko at ni _______. haha sikret kung sino. Pagkatapos nagselfie na ako at umalis, nararamdaman ko na naman na may susunod sa akin dito.
********
Nagpunta rin pala ako ng Jjimjilbang(Korean Spa) pero imbes na marelax eh na stress ako, Pano ba naman nakita ko siya na topless! At nakita rin niyang nakatingin ako sa kanya. Kaya kahit hindi pa ako masyadong nakapagrelax eh nagmadali na akong umalis.
Madami pa akong mga napuntahan kaso ganun din ang mga nangyari, nagtatago ako na parang sira, nahihiya akong magpakita sakanya dahil baka anong sabihin niya sa akin. baka asarin niya ako o ipahiya o ano. though hindi naman siguro niya ako mapapahiya kasi tagalog siya, pero paano kug marunong din siyang magkorean at ipahiya ako. hay ewan. nababaliw ako kakaisap.
*End of Ramdon Flashback*
pero hayaan mo na nga di ko naman na makikita ulit yun eh. hay salamat! :)
At natulog na ako.
Note: Summary nalang po yung ginawa ko sa mga scenes kasi hahaba na masyado.
****************
Please Vote and Comment. Salamat! Kamsahamnida, Arigato!
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
AcakSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...