Untitled Chapter

23 4 0
                                    

Pasensya po sa Chapter na ito medyo non sense. Hehe pero ang pangit kasi kung biglang yung next chapter na dito agad, puro explanation ang mangyayari, kaya pakisaba basa po muna ito Salamats pows.

*Keann's VP*

Seryoso akong nagmamaneho ng kotse ng bigla kong mapansin si Andrei na parang may hinahanap na kung ano. Kanina pa siyang lingon ng lingon sa paligid. Hay hindi ko alam kung natatakot ba siya o para siyang bata na tuwang tuwa sa mga nakikita niya. Ewan ko nga ba kung bakit nagustuhan...

"Keann" bigla niyang sabi dahilan para maputol ang kung ano mang iniisip ko.

"Bakit?" tanong ko pagkatawag niya sa pangalan ko.

"Ah eh, malayo pa ba tayo?" tanong niya na may hindi ko maipaliwanag na expresyon sa mukha

"Medyo malapit na"

"Ganun ba, sige." Ngumiti naman siya na medyo pilit.

"May problema ba?" Tanong ko kasi parang hindi siya mapakali.

"Ano kasi eh, ah..ehh..ano, wag nalang pala." sagot niya na parang natataranta. Ano kayang nangyayari sa kanya?

"Ano ba yun?"

"Hindi wala yun."

"Sigurado ka ba?" muli kong tanong para makasigurado, mamaya kung ano na palang nangyari sa kanya ako pa masisi.

"Oo hehehe" halata namang pilit parin yung ngiti niya. hay bahala nga siya.

*Andrei's VP*

"Yes sa wakas, success na!" Masayang sabi ng utak ko! Hay buti nalang at naiabot ko pa dito sa bahay nila Keann. Ay teka, bahay nga ba nila? Ewan ko. Basta nasa isang bahay kami ngayon.

Kanina kasi pagkarating ko ng library eh.

---Flashback

"Kanina ka pa ba?" tanong ko kay Keann, na nakaupo at nakapikit, at may nakasuksok na earphone sa isang tenga. mukhang nainip ata siya kakahintay sa akin. Teka anong oras na ba?

"Maaga lang natapos ang klase ko" tugon niya pagkadilat niya at inalis yung isang earphone sa tenga niya habang tinitignan ko ang wristwatch ko.

"Ganun ba" sagot ko,

Hinila ko ang isang upuan at saka naupo sa may harap niya.

"Ah-" sabay naming sabi at Nagkatinginan kaming dalawa. Pero bigla akong umiwas ng tingin, at napansin kong ganun din sya. Aww

Parang may iba? Bakit para akong nahiya? Aww ano ba to? emerged! Hindi naman ganito dati. That awkward feeling, Oh C'mon. Bakit ba naiisip ko na naman yung nangyari last week?

Nangibabaw ang saglit na katahimikan sa aming dalawa habang ako naman ay nag iisip isip lang.

Nasa kalagitnaan ako ng pagre reminisce. Aw reminisce, nosebleed. English. Hahaha so ayun nasa kalagitnaan ako nun ng bigla akong nagulat dahil bigla siyang tumayo,

"Tara na" maikli niyang sabi.

"huh?" Takhang tanong ko. Kararating ko lang tapos uuwi na agad? Sayang naman yung effort ko. Tumakbo takbo pa naman ako ng pagkalayo layo tapos aalis na agad. Dapat tinext nalang niya ako di pa ako napagod at tsaka para maupdate na rin yung Msg thread niya sa inbox ko, hihihihi.

"Uy, teka!" Medyo pasigaw kong sabi. Paano ba naman eh iniwan na niya ako dito.

"Sumunod ka nalang" sabi niya matapos akong lingunin saglit saka nag patuloy nang maglakad palabas ng Library.

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon