Airport

37 1 0
                                    

*Alex's VP*

Pag-alis ni Andrei, biglang nagbago ang aura sa paligid, bilang naging magulo at maingay.

Nagsimula magbulong bulungan ang mga tao sa paligid.

Tinignan ko si Jade, sobrang gulat parin sa mga pangyayari. Nakakaawa siya, nasayang lahat ng effort niya sa lahat ng ginawa niya. Pero ginawa lang ni Andrei ang alam niyang tama at talagang makakapag-pasaya talaga sa kanya.

"I think my heart just broke" bigla niyang sabi out off the blue. "Who else wants to be my girlfriend?" nagulat ako sa mga sumunod niyang sinabing iyon.

Is he crazy? Is he that desperate para lang magka girlfriend?

At siyempre, as expected, lahat ng babae naghiyawan sa sinabi ni Jade na iyon.Malamang, prince ba naman ng school eh.  Lahat nagtaasan ng kamay, babae at pati mga bakla. Halos sugurin na nga siya eh.

At ikinakunot ng noo ko ng makita ko na pati si Kurt, nagtaas na rin ng kamay. SRSLY, alam ba niya kung anong nangyayari sa paligid? Sushungashunga na naman ata tong baklang to.

Hay makauwi na nga, ewan ko parang bigla nalang sumakit yung dibdib ko. Parang bumigat na hindi ko alam kung anong dahilan.

*Jade's VP*

Dahil sa sobrang sakit na naramdaman ko ng biglang umalis si Andrei at iniwan ako dito, ewan ko pero sa tingin ko kailangan ko ng ibang babaeng mapagbabalingan            ko ng atensyon.

Dahil din alam ko namang lahat ng babae dito sa RAU eh may gusto sa akin, siyempre hindi ako hahanap nung babaeng alam kong obsess sa akin at hindi na ako pakakawalan. Gusto ko yung mapaglilibangan ko lang sa ngayon.

'Ayun, sakto. There she is.' sabi ko sa sarili ko.

Hinawi ko ang mga babaeng nakaharang papunta sa kanya, dahil tingin ko ay paalis na siya, at nang makarating ako sa kanya, agad ko na siyang hinila at hinalikan.

I passionately kiss her, wala akong pakialam basta kailangan kong maibuhos lahat ng emosyon ko.

*Alex's VP*

Nagsimula na akong humakbang palayo sa kumpulan ng mga taong hibang kay Jade pero may humila sa kamay ko at hinila ako kung saan.

"Aray, Sarah bakit?" napahigpit yung kapit niya sa akin eh. Bumaon ata sa buto ko yung pagkakapit niya. Si Sarah pala classmate ko.

"Ayy sorry Alex, pero girllll you have to see this, dali."

"Ano ba---" napatigil ako bigla nang makita ko si Jade na may hinahalikang isang babae."Omaygad" desperado na ba talaga siya, at kukuha nalang bigla ng babae at hahalikan?

At ang mas lalong ikinagulat ko ay nang tumigil ang halikang nagaganap at makita kung sino ang malas na babaeng hinalikan ni Jade.

"Leslie?" oo si Leslie nga, Omaygad Jade, anong gulo ang pinasok ko. Omaygad, Omaygad, patay ka niyan.

Meanwhile

*Andrei's VP*

Tumakbo ako ng tumakbo hanggang kaya ko para lang maabutan si Keann.

Lord, eto na po ba yung bigat o sama ng loob na naramdaman ko noong nakaraang araw?

Kaya ba masyado akong apektado sa mga eksena doon kasi aalis nga talaga siya. Iiwan nga talaga niya ako.

At isa pang gumugulo sa utak ko kung katulad din ba ng eksena doon sa drama na mahal niya ako pero hindi pwede dahil may papatay sa amin?

Sino? at bakit niya gagawin yun?

Hay natitimang na ako, hindi ko na alam kung anong iisipin ko. Maghahanap na nga lang ako.

"Girls, tignan niyo doon kami naman dito" narinig kong sigaw ng babae sa may di kalayuan sa akin kaya napalingon din ako.

"Nandoon siya oh"

"Ayun nga siya"

"Girls tara!"

sunod sunod na sabi ng mga babae at nagsimulang maglakad papunta sa direksyon kung saan ako nakatayo?

Teka, parang kilala ko itong mga ito ha, ang alam ko tiga RAU ang mga ito, anong ginagawa nila dito? at bakit sila papunta sa direksyon ko?

Hindi ko nalang pinansin ang mga babaeng schoolmates ko at nagsimula na ulit maghanap kung nasaan na si Keann.

"Hoy babae, saan sa tingin mo ikaw pupunta?" at nagulat ako kasi may babaeng humawak sa braso ko ng mahigpit at sapilitan akong iniharap sa kanya.

"Teka, aray! nasasaktan ako" angal ko

"Ang arte talaga! Eh ano kung nasasaktan ka? Bagay lang sayo yan malandi ka" singit nung isang babae at dinuro duro pa ako.

"Oo nga, akala mo kung sinong maganda" at sabay hila naman nung isa sa buhok ko.

"Teka lang ano bang nagawa kong masama sa inyo? Hindi ko naman kayo kilala eh. Pero kung meron man, sorry!" habang pinipilit kong hilain yung buhok ko.

"Sorry? sa tingin mo may magagawa yan?"

"Hinayaan naming magkaroon ng ibang gusto ang Prince namin, pero anong ginawa mo? Sinaktan mo lang siya!"

*Pak*

*Booogssh*

"Ayan bagay sayo yan"

Sunod sunod na sampal, suntok at sabunot ang inabot ko sakanila.

"Aray! Aray tama na!" angal ko pero parang wala silang naririnig, patuloy lang sila sa pananakit sa akin. Nakayuko nalang ako at nakapatong ang mga kamay ko sa ulo ko.

"Itigil niyo yan! Bakit niyo pinapaiyak ang girlfriend ko?" Biglang natigil ang pananakit ng mga babae sa akin o hindi ko alam kung namanhid lang ang katawan ko at nilamig kasabay ng mga katagang narinig ko.

Hindi ako pwedeng magkamali, iyang iyan ang mga katagang binitiwan noon sa akin ng taong minsan na rin nagligtas sa akin.

"Okay ka lang ba? Anong masakit sayo?" sunod niyang sabil.

"Ok lang ak-----" natigilan ako ng makita ko ang lalaking tumulong sa akin.

"Yanyan" nakangiti niyang sabi.

Teka tama ba ang rinig ko? tinawag niya akong Yanyan?

"Su----perflash? Ikaw? Ikaw si Superflash?"

*****************

Bitin na update. Hihi
Pamysterious si Superflash eh. Pero sino nga kaya si SuperFlash? Any idea?

Update soon!

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon