Transformation

69 3 0
                                    


T.G.I.F sa lahat. Today, God is First! Ow, Yeah!

*Kaye's POV*

Hello to all, So Friday today, day of Acquaintance ball. Happy this! Excited me later, seeing we tonight.

Tama ang english ko diba. Lagi nilang sinasabi mali mali english ko pero sila naman ang mali.

Masyado lang mababa ang level ng utak nila kaya hindi nila maintindihan ang pag eEnglish ko.

"Girls, dapat walang malelate mamaya ha." sabi ko kina Sandra at Dianne. Hindi namin kasama ngayon si Andrei, nauna kasi siyang umalis dahil may pupuntahan daw.

"Oo naman noh, eto kaya ang pinaka masayang part ng pagiging first year" sabi ni Sandra.

"Yeah right. Seeing handsome boys in their suits" Sabat ni Dianne.

"Handsome guys or Seeing Brix in his suit? hahahaha" panunukso ni Sandra

"Hmm exciting na ako para sa magiging partner ko mamaya" sabi ko.

"Ako rin, excited na akong  makitang magsayaw si Dianne at Brix. hahaha" -Sandra

"Bakit ako na naman?" -Dianne

"Kunwari ka pa, I'm sure gustong gusto mo siyang makasayaw"

"Di ah, madami naman ibang boys eh. Like yung mga members ng sikat na band ng school." sabi ni Dianne.

"Naku oo na! Ikaw Kaye sinong kayang magiging partner mo mamayang gabi.?" tanong ni Sandra.

"Hindi ko pa rin alam. Abangan nalang natin" sabi ko at ngumiti.

Isa lang naman ang gusto kong maging partner ehh at sisiguraduhin kong siya ang magiging partner ko mamaya. Tignan nalang natin. Walang pwedeng pumigil sa plano ko.

*Andrei's POV*

Tulad nga ng sabi ni Alex, naghihintay na ulit ako ngayon dito sa may kubo. Sabay kami uuwi ngayon ehh. yun ang bilin niya. habang naghihintay ako sa kanya bigla kong naalala yung sinabi ni Keann kahapon. "Sige kita nalang tayo sa ball bukas" seriously? gusto niya akong makita? gusto na niyang makita ang pagtatransform ko from an ugly duckling to a swan?

"tanghaling tapat nananaginip ka" panunukso ni Alex pagdating niya

"ay duckling ka"

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon