Second Week (Acquaintance Week)

53 3 2
                                    

*Andrei's POV*

Monday palang naririndi na ako sa kung ano anong usapan ng mga klasmates ko tungkol sa magaganap na friday night.

"Girl, alam mo ba dumating na yung order kong gown na design ni Liz Uy" sabi nung isang babae na nasa bench na may kasamang circle of shrimps este friends pala.

"Really? yung sa akin bukas pa ata, detailed daw kasi eh kaya mahirap gawin sabi ni Jeff Tan" pabida naman nung isa.

"who's your make up artist ba? I already contacted Mama Rene Salud eh." drama pa nung isa

Puro sila paganda dito, paganda doon. pakulot dito paunat doon.

Usapang gown dito, sapatos doon. at kung ano anong chenelin chubalens diyan. ohh well hindi naman ako pupunta. Matutulog nalang ako mas masarap kayang matulog.

Hapon na ng Tuesday ngayon at pauwi na ako, ako nalang ang naiwan dito sa room. pano naman pinagreport ako ni maam tungkol sa tutorial session namin ni Keann.

naglalakad na ako sa may corridor nang makita ko si kaye at sila Dianne. yung mga groupmates ko sa P.E. lalagpasan ko sana sila pero bigla akong tinawag ni kaye.

"Andrei, halika na. kanina ka pa namin hinihintay ehh." Eh? ako hinihintay nila? bakit?

"Bakit? San tayo pupunta?" nagtataka kong tanong.

"Sa mall"

"Huh? ngayon na ba tayo gagala?"

"Yep, at bibili narin tayo ng para sa ball" hinila niya yung kamay ko at naglakad na kami. Pati pala mga to eh iniisip din ang tungkol sa ball.

"Teka" huminto ako ng lakad kaya napatigil din siya and has this so called why face.

"Eh kasi hindi ako pwede ngayon. May gagawin ako." dagdag ko

"Hindi pwede, kailangan mong pumunta. kailangan kumpleto tayong magkakaibigan. diba girls?" sabay sabi niya.

"Oo naman no. Kaya tara na" sabay hila sa akin ni Dianne.

kaya wala akong nagawa kundi sumama sakanila. Eh tinatamad akong pumunta ehh. isa pa para sa ball ang bibilhin? ehh hindi naman ako pupunta dun. pero sabi niya kumpleto kami? magkakaibigan? ahh so kasama parin ako sa mga kaibigan niya. Hmm mukhang nagbago na nga talaga.

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon