A Day with Him

7 1 0
                                    

*Alex's VP*

"Alex, Andrei tara" tawag sa amin ni Rein. Nasa driver's seat siya ng kotse ni Kuya Keann. Samantalang ai Kuya Keann naman ay nasa passenger's seat.

"Rein, Keann." Sabi ni Andrei.

"Hi R-Kuya Rein, Hi K-Keann" muntik ko na masabi yung nasa isip ko na "Hi Rein at Kuya Keann."

"Pauwi na ba kayo? Sabay na kayo sa amin." Pag-aaya ni Rein.

Tatanggi pa sana si Andrei pero hinila ko siya papunta sa back seat ng kotse.

"Gusto niyo na bang umuwi? Gala muna tayo." Sabi ni Rein pagkasakay namin. Si Kuya Keann naman no comment lang. As usual.

"Sure tara sa mall." Masayang sagot ko. Agad namang pinatakbo ni Rein my labidabs ang kotse.

"Alex, diba sabi mo gagawa pa tayo ng project mo?" Pagtutol ni Andrei. Bebe naman napaka dream crusher. Ayaw ba niyang makasama si Kuya Keann?

"Matagal pa naman yun eh. Madami pa tayong oras." Palusot ko kahit sa totoo lang bukas na yun. Bahala na ipapagawa ko nalang.

"Alright! Saan niyo unang gustong pumunta?" Tanong ni Rein pagkadating namin sa Mall.

Sa totoo lang kanina sa byahe eh parang kami lang ni Rein my labidabs ang excited na gumala. Yung dalawa kasi naming kasama eh napakatahimik.

"Hello Alex, Hello may kasama pa ba tayo?" Natawa naman ako sa biglang sinabi ni Rein my labidabs.

"Honestly I have to go. Maaga kasi akong pinapauwi ni Mama ngayon." Napatigil tuloy ako sa pagtawa dahil sa sinabi ni Andrei.

"I also have to go, I have to finish some reports" sunod naman na sabi ni Kuya Keann.

"Ok, sige Hyung pakihatid nalang si Andrei ha " sagot ni Rein sa kanila

"Ah hindi na Rein baka nagmamadali siya eh at isa pa magkaiba ang daan papunta sa amin at sa inyo." Ikinakaway pa ni Andrei ang kamay niya. Yung sign na huwag na.

"No Andrei. Mas palagay ako kung ihahatid ka niya." Wow naman ang sweet ni Rein my lalabs. Kailan kaya siya magiging ganyan sa akin

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon