*Jade's VP*"Calm down Jade pwede ba" pigil sa akin ni Jam
"Oo nga dude, ok na daw siya sabi ni Kurt." Sagot naman ni Rios.
Nandito kasi ako ngayon sa bar, oo may gig kami kanina kaya kami nandito, pero bigla nagtext si Alex kay Kurt na naaksidente daw si Andrei.
Pagkatapos namin tumugtog, pumasok na agad ako sa room namin dito sa bar at sinumulang itapon lahat ng makita ko.
"Asan na ba si Kurt? Sinabi ba niyang kasama niya si Andrei?" Tanong ko pagkaupo sa sofa. Ok na ako, nailabas ko na lahat ng pagkainis ko.
"Ang sabi niya pauwi na daw sila, si Alex daw ang kasama niya sa kotse, si Andrei daw kasabay ni Keann"
"Si Keann? Bakit siya na naman?" Umiinit na naman ang dugo ko.
Dapat ako yun eh, dapat ako ang nagaalaga sa kanya. Dapat ako ang poprotekta sa kanya. Ayoko siyang nasasaktan, ayoko siyang nahihirapan.
Bakit ba palagi nalang si Keann ang kasama niya? Ako naman ang pinakasikat at pinakagwapo sa lahat ng nasa RAU.
"Dude, nagtext ulit si Kurt, pabalik na daw siya dito" sabi ni Jam.
"Good, pagdating niya ipapaliwanag ko na sa inyong lahat ang plano, para maiayos natin lahat on time, I want that day to be the most perfect day para sa amin ni Andrei." At napasmirk nalang ako.
Maghintay ka lang Andrei malapit na. Kukunin na kita. Kukunin ko na ang dapat ay sa akin noong una palang.
*Jam's VP*
Hello guys, do you still remember the handsome me? well ako lang naman ang Most Attactive DJ ng bandang Trial and Error, this is my first VP in this story, I hope I can make things clear to you guys.
Dahil sa sinabi ni Jade kanina, hindi ko maiwasang isipin yung pinag-usapan nila dati pagkatapos maaksidente noon ni Andrei.
Flashback
I'm on my way heading to our underground studio when I saw my other band mates teasing K.A again. Yes, Kurt Aeus, one of my childhood friend.
"Ohh anong kaguluhan ito? mukhang inaasar niyo na naman si Kurt ha." biglang sabi ni Rios, dahilan para mapatigil sa tawanan si Kent at Lloyd.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
RandomSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...