A Happy Day

3 0 0
                                    


*Andrei's VP*

Matapos ng shocking revelation kagabi, hindi namin namalayan ni Keann na madaling araw na pala kaming nakauwi.

Hindi ko nga alam eh kung bakit naniwala ako agad na siya nga si Superflash kahit na wala siyang ipakitang katibayan di tulad ni Rein, siguro dahil naramdaman ko na totoo nga ang sinasabi niya,

Lalo na nung nagsayaw kami, yun parin yung naramdaman ko, katulad ng naramdaman ko dati kay Super flash at sa taong nakasayaw ko noong acquaintance party. Siya nga yun.

*ppppiiitttt pppiiiittttttt*

"Gising na, gising na!" Saka inalis ni Mama ang kumot ko.

"Iaantok pa ako." Pagrereklamo ko. 2 hours palang ata ang naging tulog ko eh dahil sa nangyari kagabi.

"Bangon na dali."

*ppppiiiiittt pppiiittttttttt*

"Ma!"

"Bangon na anak. Happy birthday mo na kaya."

"Alam ko ma. Pero bakit may patorotot pa kayong nalalaman? Di naman bagong taon ha. At isa pa hindi na po ako bata." 17 na kaya ako ngayon. Aish, kahit kailan pabebe talaga tong si Mama.

"Oo nga noh, pero bumangon ka na diyan. Kanina pa andito si Alex hinihintay kang bumaba." Pangngulit ni Mama sa akin.

Teka si Alex? Oo nga pala. Baka nag-alala yun kagabi kasi bigla akong nawala.

Bigla akong bumangon sa higaan ko at nagpalit saglit saka bumaba.

"Babe." Tawag ko kay Alex. Kaya napalingon siya sa akin.

"Bebe" patakbo siyang pumunta sa akin tapos niyakap ako ng mahigpit.

"Sorry kagabi ha." Sabi ko.

"Hayaan mo na yun. So ano na?"

"Huh?" Anong ano na?" Anong sinàsabi niya?

*Rein's VP*

"Kayo na ba?" Tanong ko kay Keann.
"No" tipid na sagot niya sa akin.

"Huh? Hina mo naman hyung. Ako na nga gumawa ng paraan eh." Hays, naubos nga pera ko para dun eh.

"Shut up." Sungit talaga nito.

"Pero teka, hindi ka man lang ba magpapasalamat sa akin?" siyempre ako gumawa ng lahat ng paraan para sa kanila ni Andrei diba.

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon