*Andrei's POV*
Time check 3:55pm
papunta na ako ng Library. umpisa na kasi ng pagiging tutor ko kay Keann. hmm madali lang kaya turuan yun?
Or baka 1year na hindi pa rin siya makagets. Grabe naman ako makapag degrade. Hay anu ba yan. erase erase. bakit ba yun ang naiisip ko?
Andito na ako sa library *lingon lingon* Good wala pa siya. kukuha na muna ako ng mga books na pwedeng magamit.
Iniwan ko na yung gamit ko sa lagayan ng mga gamit. tapos naghanap na ako ng mga libro. tumitingin ako sa isang libro habang naglalakad, tapos may napansin akong parang dumaan sa may gilid kong pamilyar na tao.
"siya na kaya yun?" pabulong ko. tapos kinuha ko na yung mga napili kong mga libro at nagpunta na sa mga table. at poof ayun nakaupo na siya sa isang table. at andaming libro omo.
"kanina ka pa ba? andami mo namang kinuhang libro" pagtatanong ko.
"Oo." yan lang ang isinagot niya.
naupo na ako sa may tapat niya at nagsimula ng magbasa.
nagbabasa lang ako ng English words at tinatranslate ko sa tagalog. Word per word muna saka na mga sentences.
bago kami natapos sa pag aaral, may inabot siya sa akin na isang sobre.
"Down payment para sa pagtututor mo sa akin. Weekly nalang ako magbibigay"
"Ah ok. salamat" yun nalang naisagot ko.
--------------------
naglalakad na kami ngayon ni Alex pauwi. At dahil crush nga daw nitong batang to si Keann ehh kinukulit ako tungkol sa kanya. naku yong batang to, basta gwapo crush agad.
"Bebe ano ginawa niyo kanina? Diba first day ng tutorial niya ngayon?"
"ayun eh di translate dito translate doon." sagot ko.
"Hmm makulit ba siya?"
"no"
"masayahin?"
"no"
"mapangasar?"
"no"
"masungit?"
"no"
"pasaway?"
"no"
at kung ano ano pang no din ang sagot hanggang sa napagod siyang magtanong at nasabi niyang
"sirit na nga, ano ba ugali niya?"
"As is, kung paano mo siya makita yun siya" gulo ko magpaliwanag noh? "ehh kasi sobrang plain niya, seryosong seryoso. walang kaexpre expression yung mukha."
"aw parang robot?" sabi niya
"exactly! You got it right!" sabay kagat sa adidas (chicken feet) andito kasi kami ngayon sa may ihawan na madadaanan pauwi samin.
nagutom kasi si Alex eh. Libre niya naman kaya go. Ako pa ba tatanggi sa grasya. mahilig din sa street foods tong batang to ehh. kaya pag nagutom siya at nadaan kami dito ayun nanlilibre. siya mayaman ehh.
*Keann's POV*
Andito na ako ngayon sa bahay nila Rein. Dito ako tumutuloy ngayon habang nasa pilipinas ako. Si Yaya Lily ang yaya ko nung bata pa ako, nung nakatira pa kami dito sa Pilipinas. Siya narin ang tumayong nanay nanayan ko simula nung namatay ang mama ko.
Pumasok na ako ng bahay at nagmano kay yaya Lily.
"Pagpalain ka anak. andito ka na pala, sige magpahinga ka na muna ha at maya maya maghahapunan na tayo, parating na din si Edmund" Si kuya Edmund ang asawa ni yaya Lily at driver din namin noon.
"Opo"sagot ko sakanya at pumasok na ako sa kwarto. biglang tumunog ang phone ko at kinuka ko sa bulsa ng bag ko, pagkatingin ko..
*Rein Calling*
hmm bakit kaya? at sinagot ko ang tawag niya.
"Yeobuseo"(Hello)
"Hyung" (older brother) sagot niya with unexplainable tone.
"Wae?, Moo sun ilee ya?" (why? whats the matter?) tanong ko sakanya, para kasing may nangyari sakanyang hindi ko maintindihan.
"ahh aniya, nangangamusta lang" sagot niya. (aniya means no or nothing)
"hmm ok lang naman, ikaw kamusta ka?"
"ok lang, pero actually kaya ako tumawag kasi narinig ko na schoolmate mo pala siya?" bigla niyang sabi. Huh? Paano niya nalaman?
"Sino?" tanong ko na may pagtataka
"Hmm Andrei Lian, yung nakita natin sa airport?" So siya nga talaga yung tinutukoy niya.
"Kilala mo talaga siya?"
"Nope, not really. Diba nga sa airport ko lang siya nakita."
"Eh mo nalamang yun ang pangalan niya? Diba nagkabangga lang naman kayo? "
"nabasa ko sa mapa niya. nakasulat dun eh" Huh? mapa? ibig sabihin hindi kay Rein yung mapa kundi kay Andei.
"Ah, Tutor ko siya"
"Alam ko" Huh? alam niya?
"Paano mo nalaman? " tanong ko
"Siyempre ako pa. Parang di mo ko kilala. Sa dami ba naman ng kakilala ko diyan." hmm sabagay pero kung kilala si Andrei ng mga kaibigan niya dito, eh bakit di niya nakilala si Andrei noon pa lang? Sabagay pwedeng hindi pa sila nagkita dito noon.
"Be nice to her ha, magpakabait ka sakanya." Magpakabait? bakit mukha ba akong hindi mabait? mabait kaya ako. si rein nga tong naku..
"Oo, Huwag ka mag alala"
"Good. Hahaha"
at ayun nag usap lang kami ng nag usap tungkol kay andrei. mukhang type talaga niya ehh. inabot kami ng halos 1 oras na siya lang ang topic.
pagkatapos naming mag usap kumain na ako at nag scan ng notes na sinulat ni andrei kaninang nasa library kami.
nagplay ako ng mellow songs habang nag aral, Isa kasi iyon sa way ko para antukin. at pagkatapos ko magbasa nahiga na ako at unti unti ng nakatulog.
------------------
natapos na ang first week ko sa school, at ngayon first weekend ko naman dito sa company. Madaming Company dito ang dad ko. pero dito niya ako nilagay sa isang company ng mga damit.
"Good morning Sir" yan lang lage kong naririnig kapag may nakakasalubong ako.
Andito na ako sa office, sa ngayon nagtutour muna ako at ipapakilala bilang Acting CEO ng ChoiSoo Company. Pagkatapos ehh rest day ko muna. maglilibot din muna siguro ako dito sa paligid, hindi pa kasi ako masyadong nakagala dito ehh dahil nga kinailangan ding bumalik agad ni Rein sa Korea.
Ibibili ko na rin sila Yaya Lily ng ilang gamit sa bahay, bilang ganti naman sa pag aasikaso at pag aalaga sa akin. Mabait naman ako at maaalahanin. hindi nga lang halata kasi seryoso ako palage. well hindi naman ako ganito dati ehh.
May nangyari lang.
Oh well. wag na natin pag usapan ang tungkol dun. ang nakaraan ay nakaraan. Sa english nga diba eh Past is past. hmm medyo natututo na ako ha.
****************
Please Vote and Comment. Salamat! Kamsahamnida, Arigato!
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
RandomSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...