*Andrei's VP*
"Breath in, breath out Andrei. Kaya mo yan. Fighting" mahina kong sabi sa sarili ko habang naglalakad papasok sa gate.
Hindi ko alam pero bigla akong kinabahan. Di ko alam kung dahil ba second sem na, at mas mahihirap na ang mga subjects o ano. Para kasing may mali. Pinagtitinginan kasi ako ng mga tao sa paligid.
Kinapa kapa ko ng pasimple ang likod ko at noo ko, baka kasi makakita ako ng death note o kaya nakakatawang nakadikit sa akin kaya ako pinagpipyestahan ng mga mata ng nasa paligid ko buti nalang nakita ko si..
"Hi Jade." Masayang bati ko sa kanya.
At alam ko as usual ngingiti din siya at magha-hi pero deadma ang Beauty ko te, dahil dinaanan lang niya ako habang nakapamulsa na para bang hindi niya ako nakita.
"Hala, anong problema nun ang aga aga ang sungit?" Bulong ko sa sarili ko. Dati rati naman malayo palang ako binabati na ako agad nun eh.
Tapos nakita ko din na may isang babaeng nakahigh school uniform na sumusunod sa kanya. Teka parang kilala ko yun ah. Ano nga bang pangalan nun?"Hindi mo ba talaga alam kung bakit? Makakalimutin ka na ba O manhid ka lang?"
"Ay tipaklong ka!" Pabigla bigla naman kasing sumusulpot si Kurt eh. "Anong ibig mong sabihin?" Tanong ko habang pinagpapatuloy na namin ang paglalakad.
"Diba nga binasted mo siya?"
"Huh? Ako?"
"Oo ikaw, alangan naman ako diba.?" Pang-aasar niya.
"Pero paano ko siya babastedin eh hindi naman siya nanligaw sa akin diba? At hindi naman magkakagusto sa akin ang tulad niya. Kaya naku impossible." Kasi totoo naman eh, parang wala naman akong natatandaang nagpunta siya sa bahay at umakyat ng ligaw.
"Hahaha ngayon alam ko na, hindi ka makakalimutin, manhid ka. Hahaha" natatawa niyang sabi habang tumatakbo palayo sa akin, magkahiwalay na kasi kami ng daan eh. Sa kabilang building pa kasi ako.
"Tignan mo yun. Ang gulo talaga. Tinawag akong manhid? Ako? Psh." Para tuloy akong timang na kinakausap ang sarili habang naglalakad.
Isa pa, hindi ako manhid. Manhid ba yung nagkakacrush? Hay, kaso nga lang engaged na sa iba. At ang malala, sa bestfriend ko pa. Hay!
"Andrei"
Kung bakit pa kasi kung kelan ako nagkagusto eh sa maling tao pa.
"Uy Andrei"
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
SonstigesSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...