*Andrei's VP*
"That is just so unbelievable. I can't imagine pumayag si Chi Soo sa ganoong deal." Sabi ni Rein pero parang wala lang ako sa sarili at hindi iniintindi ang mga ibig sabihin ng sinabi niya.
Hindi ko alam pero parang lutang parin ako at hindi makapaniwala sa mga nalaman ko kanina. Panaginip na to? Please naman pakigising ako.
Pagringin niyo na lahat ng alarm clock, pagtilaukin niyo na lahat ng manok, magpatugtog na kayo ng pagkalakas lakas, buhusan niyo na ako ng malmig na tubig o kahit ano pa diyan basta gusto ko ng magising. As in now na.
"Ei Andrei" sabay wagayway ng kamay ni Rein ng kamay niya kaya nagulat ako at napatingin sa kanya.
"Bakit?" Tanong ko
"Hahaha ok ka lang Yanyan? Para kang lutang eh."
"Ano ba yun?"
"Hahahaha tinatanong kita kung anong pakiramdam mo ng marinig mo yung tungkol kila Alex."
"Ah eh bakit mo naman tinatanong yun?"
"Wala naman nakakagulat lang kasi. Hindi ka ba nagtaka bakit parang biglaan naman ata yung pangyayari?" Muli niyang tanong.
"Eh ganun naman talaga ang mayayaman diba pinapakasal sa katulad nilang mayaman. Iniingatan nila yung kayamanan nila" Sabi ko.
"Hahaha napaka old school naman na nun hahaha. Tingin ko hindi yun yung dahilan eh." Paliwanag naman niya.
"Pwede ba hayaan nalang natin sila. Masaya ako kung saan magiging masaya si Alex" sagot ko
"Hahaha kung sabagay. Tara na nga. " ngumiti siya saka pinaandar ang sasakyan.
*Alex's VP*
"Nababaliw ka na ba? Bakit mo ba ginagawa to?" Tanong sa akin ni Kuya Keann pagdating namin dito sa hotel nila. Dito na muna kami nagpalipas ng gabi bago kami bumalik sa lugar namin. Sina bebe Andrei nauna ng umuwi.
"Baliw ba yun? Effective kaya, di mo ba napansin yung reaksyon nila kanina?" Nakangiti kong sabi sa kanya.
Flashback
"Engagement party niyo?" Gulat na tanong ni Rein.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
SonstigesSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...