*Andrei's VP*
Hay, grabeng panaginip yun. Akala ko totoo na. Ayoko pa naman sa lahat ay ang palakang kokak na yun. Kadiri.
Di bale ng ipis o daga, wag lang ang frog na yun. Tunog pa lang kadiri na. Naalala ko tuloy yun ang madalas ipanakot sa akin noon ni superflash.Alam kasi niyang takot ako dun.Hays namiss ko tuloy na naman siya.
Anong oras na kaya? Napahaba ata tulog ko ha.
Inabot ko sa tabi kong maliit na table yung orasan na maliit. Iminulat ko ng kaunti ang mata ko para makita ang orasan,
10:30
Ahh maaga pa pala, linggo naman ngayon. muli kong ibinalik ang orasan sa katabi kong mesa at akma ng tatayo.
"Aray" bakit ganun, parang pakiramdam ko bumagsak ako ng sobrang lakas. Hindi ko gaanong maigalaw ang balakang ko. Kumikirot.
Tumingin. Tingin ako sa paligid
Teka asan ba ako? Teka...
"Huh? Anong ginagawa niya dito?" Bulong ko sa sarili ko nang makita ko siya na nasa paanan ko, nakatulog ata siya.
Nakatingin lang ako sa kanya ng bigla siyang magising at magsalita.
"Ohh, gising ka na pala, kamusta pakiramdam mo?" Talaga bang siya yan? Bakit parang iba siya magsalita?
"Nagugutom ka ba? May kailangan ka ba?" Tumayo siya at lumapit sa table na may mga prutas at pagkain.
"Ano? Wala ka na din bang boses dahil sa kakasigaw mo kanina?"
"A-Ah eh, ok lang ako. Bakit ka nandito?" Ano ba yan bakit hindi ako makasagot ng maayos, pero ayos natanong ko din.
"Nadulas ka kanina diba, kaya dinala ka dito sa hospital."
"Huh? Hospital" so nasa hospital nga ako? Yung panaginip ko kanina nasa ambulansya na ako papuntang hospital.
Huwat? So totoo nga? Totoo yung nangyari kanina, yung palakang kokak.
Yung tumalon talon ako kasi palapit na siya sa akin.
Yung nadulas ako at nahila ko si Keann at...
"Waaaaaaahhhhh" napasigaw na ako bigla.
"Bakit ka ba sumisigaw? Ano na naman yun? Pati ba dito sa hospital may palaka? Hallucination lang yan" pigil niya sa pagsigaw ko.
"Hallucination? Huwwoooooww english, nosebleed" grabe ang lalim nun. Ano meaning nun? Haha joke alam ko yun.
*gggggrrrrrggg grrrrrggg*
O_O
Oh no, magaling na tiyan bakit ngayon ka pa nagwala? Nakakahiya.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
РазноеSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...