Acquaintance Ball

82 3 0
                                    

*Andrei's POV*

Ayun after akong ayusan ni Alex ehh nagpunta na kami sa venue.Infinity Hotel. pagpasok namin dumaan muna kami sa attendance area

"Bye babe, enjoy the night" sabi ni alex bago siya umalis hindi kasi siya pwede sumama kasi hindi ka pwedeng pumasok kung hindi ka Freshman.

so yun after ng attendance ek ek. pinadiretso kami sa isang body painting booth. Pipinturahan daw ang balikat namin kasi may paggagamitan daw mamaya.

hay andaming kaetchosan. pagkatapos ko mapinturahan eh dimiretso na ako sa designated area namin. hiwa hiwalay kasi eh every college.

ang cute nung pintura pero kulay pink na may green. Girl na girl. haha. pumunta na ako sa isang table kung nasaan sina Kaye. Grabe ha todo ayos sila. very pretty.

"hello" napalingon sila sa akin pagkabati ko sakanila. busy kasi silang nagkukwentuhan kanina ehh.

"ohh speaking of Andrei, andito na pala siya" -kaye

"you're so pretty, bagay sayo ang ayos mo"-Dianne

"oo nga, dapat lage ka ng mag aayos para lalo kang gumanda" -Sandra

"ah eh ih oh uh, kayo nga ehh super gaganda niyo ngayon para kayong mga diwata"

"hahaha correction! Tayo" -Sandra

ay naupo na ako. at nagkwentuhan na ulit sila. although kasama ako sa kwentuhan ehh hindi ako nakikinig sa usapan. busy kasi yung mata kong naghahanap kay Keann. Loko yun ha sabi niya magkita kami dito tapos wala naman pala siya.

"Good evening ladies and gentlemen. Welcome to the 23rd Roux Anderson University Acquiantance Ball"

at ayun nagsimula na nga ang ball. sayawan dito sayawan dun, pero ako nakaupo lang sa may table..

"Hi, Miss can I dance with you?" sabi ng isang lalaking lumapit sa akin. Gwapo sana siya pero ang baduy manamit.

"No miss sa akin nalang" sabi naman nung kasama niyang nerd.

"Hindi no, Miss diba ako ang sasayaw mo." sagot nung isa na parang si budoy.

"Naku, Pasensya na ha, masakit kasi yung paa ko eh" sagot ko, oy ha masakit talaga ang paa ko hindi ako nagpapalusot. Ikaw ba naman kasi ang magsuot ng pagkataas taas na heels na parang mapuputol sa nipis.

"Hi boys, wanna dance?" Sabi nung isang babaeng mataba na kamukha ni darla (yung alalay ni Kris Aquino) at may kasama pang dalawang mataba.

"Come on, darling" sabay hila nung isang mataba sa lalaking baduy.

"Dance with me honey" sabay hablot naman nung kamay nung isa dun sa mukhang budoy. may panguso nguso pa. At siyempre

"Shake it baby" sabi ni darla nung sa nerd tapos binabangga bangga niya ng tagliran niya yung tagiliran ni nerd papunta sa dancefloor.

Tawa ako ng tawa habang pinapanuod sila kasi yung mga balyena todo sa pagsayaw samantalang yung mga lalaki eh parang mga batang nagmamakaawang umalis pero hinaharangan ng mga balyena.

Buti nalang dumating yung tatlong balyena na yun hindi rin naman kasi ako mahilig makisayaw. nung JS Prom nga namin nung High School eh hindi rin ako nag attend.

Ehh kasi naman pasosyalan ng suot. ehh feeling ko magiging alien lang ako dun. At isa pa wala rin si Papa na magiging Parent Dance ko.

"Miss mag-isa ka lang ba?" napalingon ako sa may likuran ko dahil may isang lalaking nagsalita.

"Ah, eh oo, ay hindi pala." sagot ko sakanya. Napangiti naman siya. Omaygad Ang gwapo niya. Lalo na kapag nakangiti

"Pwede ba akong makiupo dito"

"Ah eh, sige pero baka bumalik na mamaya yung mga kasama ko eh" ngumiti naman siya.   ohmaygad halata bang natataranta ako at naiilang?

"I'm Jade..."

"Jade Nickson Anderson" sabi nung isang lalaki na biglang nandito narin sa may table namin.

"Bakit dito ka umupo? doon ang table natin oh" dagdag nung isang pang lalaki sabay tapik dun sa Jade daw.

"Aish, dun ba tayo? nalate kasi ako eh kaya di ko alam san tayo" sagot ni Jade.

"Excuse me beautiful lady ha, pero hihiramin muna namin ang kaibigan namin ha." sabi nung isang gwapong lalaki

"Sure" sabi ko

"Tara na nga, nag aantay na ang tropa doon oh, tayo na ang susunod na tutugtog" sabay hila nung isang lalaki kay Jade. Nagpakaladkad naman si Jade. Pero bago siya umalis...

"Bye Miss beautiful, see you later" sabay kindat niya sa akin. At ngumiti nalang ako.

Hay mag-isa nalang ulit ako, nakakaboring na nga ehh puro kain lang ginagawa ko. ehh kasi bawat table may mga nakalagay na pagkain at drinks na nakalagay sa tube na may gripo, yung parang sa Padi's point.

mauuna na sana akong umuwi kasi nabobored na ako, lahat kasi sila nagsasayaw wala akong makausap. Tapos si Keann hanggang ngayon wala parin. Kukunin ko na sana ang bag ko pagkatayo pero biglang

"And now for the most awaited event of the evening"

*chujung*

biglang nagbrownout. Ngek! Pati pala sa isang class na hotel nagbabrown out? Pero may music parin naman, mahina nga lang. baka naman napundi lang yung ilaw. astig ha, sabay sabay napundi ang ilaw. May pagkakaisang nagaganap sa mga ilaw. nagpoprotesta ba sila?

"Everyone, Please get a partner now"

biglang may nagsalita. at dun ko lang napansin na may mga umiilaw na maliliit, kulay pink yung may pagka neon ang kulay. tinignan ko yung braso ko at nakita ko na umiilaw yung pinintura sa akin kanina. Wow glow in the dark.

*********

Thank you po sa 100 reads :) Please do Vote and Comment po. Salamat. —Lian❤

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon