*Alex's VP*
Habang hinihintay kong tumunog ang bell sa department namin, tumambay nalang muna ako sa kubo kung saan kami madalas magkita ni Andrei. Tutal maaga pa naman.
Kasama ko rin ngayon si Andrei,si Kurt at Kuya Keann. Madalas kami kami na rin ang magkakasama. Tutal kaibigan ko naman si Kuya Keann at ang aking bebe na si Andrei.
Eto nga lang si Kurt ang hindi ko alam paano napasama sa amin ehh. Haha. Hindi joke. Kaibigan din naman siya ni Bebe, at kaibigan ko din naman siya dati pa.
Nakikinig kami ni bebe sa paborito kong kanta ngayon, yung Thinking out loud by Ed Sheeran. Hanggang sa hindi namin namalayan na napakanta na pala kami ng malakas.
"Baby we found love right where we are, Baby we found love right where we are.....hahahaha" sabay rin kaming napatawa kasi nagulat kami na nakuha namin yung tono at kulot nung kanta.
Ang saya saya naming dalawa samantalang yung ibang kasama namin ang seseryoso, ewan ko ba. Si Kuya Keann sanay na akong seryoso pero..
"Kurt" tawag ko.
"Oh bakit?" Tugon naman nito na seryoso parin.
"Seryoso ka na niyan?" Tanong ko, nakakapanibago kasi.
"Oo bakit?" Tugon niya.
"Wow ha, himala! Pero seryoso ka na nga? Sus, di bagay" pang-aasar ko.
"Eh ano sa tingin mo ang bagay? Tayo?" Huh ano daw? Kami ang bagay? Korni huh'
"Ewan ko sayo, pero ako sure na sure akong tao ako!" Taas noo kong sabi.
Ano ka ngayon, akala mo ha. Basag ka men. Nanghahard to.
"Psh, Alex wag ka ngang istorbo, seryoso ako dito ehh" inis niyang sabi. Hahaha talo inis ang loko.
"Ano ba kasi yang ginagawa mo?" Tanong ni Andrei sa kanya.
"None of your business" sagot naman ni Kurt. Pasuplado effect.
"Talagang none of my business kasi wala naman kasi talaga akong business, mahirap lang kaya kami hahaha" sagot ni Andrei. Very good bebe. Yanehh. Trashtalk pa ba gusto?
Napansin kong napangiti si Kuya Keann sa banat na pambabara ni Bebe Andrei. Ah hindi, its more like pigil na tawa. Yes, you read it right. For the first time in history napatawa rin si Kuya Keann. Pigil nga lang.
Nagulat ako ng bigla nalang akong hilain ni bebe at may ibinulong sa akin.
Hahaha nice one! bright idea.
*Andrei's VP*
Dahil sa sobrang nakakapanibago ang mood ngayon ni Kurt, may naisip ako biglang bright idea.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
AcakSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...