Sorry late update, nabura kasi yung original update ehh. Nagkaroon ng conflict daw tapos yung last saved ko na nakaconnect sa net ang naiwan. ehh half lang yun ng update kaya nirush ko gawin ulit..Aniweis Enjoy Reading!
*Alex's VP*
"Good morning Philippines and good morning world" masayang bati ko pagbukas ko ng pinto ng bahay nila Andrei.
"Eh? walang tao?"
Wala man lang simalubong sa pagdating ko? The beautiful and beautiful me nalang ulit, hindi ako sexy ehh payatot ako.
Pero asan ang mga tao sa bansang Pilipinas?
*Beep Beep Beep* may kotse ata sa labas, pupuntahan ko na sana kaso bigla kong nakita si Andrei na pababa na mula sa kwarto niya.
"Alex ikaw na muna bahala dito ha" mabilis na sabi ni Andrei habang patakbo na nag aayos kung ano ano.
"Tulog pa si mama doon sa kwarto niya, huwag mo nalang muna gisingin" dugtong pa niya habang aligaga na hindi alam kung anong uunahin.
"Bakit hindi ka mapakali bebe? May pupuntahan ka ba?" tanong ko.
*Beeeeep beeeeep beeeep*
"Bye, alis na ako." mabilis niya akong bineso beso at humila ng isang slice ng loaf bread at umalis.
"Anong problema nun?" sabi ko sa sarili ko habang binababa ang mga pinamili ko para kay tita.
Anong nangyayari sa mundo? Pakiexplain please. Labyu.
*Andrei's VP*
Mabilis akong nagtatakbo palabas ng bahay habang may bitbit na isang slice ng loaf bread. Gutom na gutom na ako eh, paano ba naman nakalimutan ko palang kumain kagabi, nawala sa isip ko dahil sa pangungulit ni Kurt sa akin tapos ngayin nagmamadali oa ako hays!
"You're 2 minutes late."
yan ang pabungad na bati sa akin ni Keann pagkabukas ko ng pinto ng kotse niya, hanla eh kasi naman.
"Hehe" ngiti to the max ako para hindi na siya magalit. At sana huwag na niyang totohanin yung sinabi niyang may kaltas ang every minute na late ko.
Mabait yan si Keann eh.
"Ok less 3,000 sa sahod mo."
"Huwat? 3,000" grabe naman ang laki, ano yun 1,000 per minute, ay hindi 2 minutes lang naman eh di 1,500 pala, grabe walang awa.
"Ok, 5,000 na. 2,000 para sa 2 minutes na paghihintay ko at 3,000 para sa pagtunganga mo diyan sa labas."
"Hala bakit pati yun kasama?" pagrereklamo ko. Wala naman akong nakuhang response, ang poker peys pa.
Why so harsh bakit nung tutor palang ako wala namang ganitong drama?
"Oh ano tutunganga ka nalang ba diyan at hihintayin na wala ng matira sa suswelduhin mo?" masungit niyang sabi.
agad akong pumasok ng kotse at naupo sa passenger seat ng kotse niya.
"Go go go Keann, Tara na malelate na tayo oh, bilis! Ikaw naman sana sinabi mong bawal pala magtanungan at kwentuhan, hihi. Tara na dali." may pa hand gesture pa ako na para bang nagsasabing fighting with a wide smile pero susungitan lang pala ako.
"Huwag kang pa FC, baka nakakalimutan mo I'm your boss starting today?" masungit niyang sabi
"Aw, Sorry naman po, ok uulitin ko.. ehem.. ehemm.. Go go go po Sir, Master, Kamahalan, Your Highness, President, Chairman, Chief, Governor, Mayor, Captain----" Natatarantang sabi ko pero natigil ang sasabihin ko ng bigla akong nakatanggap ng isang nakataas na kilay mula kay Keann.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
RandomSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...