*Alex's VP*
I'm here ngayon sa canteen, hinihintay si bebe Andrei. Namiss ko kasi siya ehh, paano ba naman kasi 2 days siyang inexcuse sa klase niya dahil sa nangyari sa kanya Last week.
(second thought: eh araw araw ka naman sa bahay nila ehh. )
Ehh bakit ba konsensya? Ehh sa miss ko siya ehh hihihi..
Hay medyo maaga pa naman makapag Facebook na nga lang muna at makatingin ng updates kay mallows. ^_^
~scroll
~scroll
~scroll
~scroll..
"Hay ang cute mo talaga! I love you na, I love you!" masayang masayang sabi ko na nakapikit pa, at sana nga hindi nalang ako dumilat.
********
"Alexandria Furukawa!" sigaw ni Andrei, na siyang nakapagpabalik sa akin sa tamang pag-iisip. Ayy hindi, hindi naman ako nababaliw eh, mababaliw palang ata. Huhuhu. kasi naman ehh.
"Bakit ngayon ka lang? bakit antagal mo? Bakit—" sunod sunod na tanong kong napigil.
"Bakit tulala ka?" pagsabat ni Andrei
"Huh? ako tulala? Hindi ahh" sagot ko.
"Weh, hindi daw! kanina pa kaya ako dito. Kaso hindi mo ako kinakausap kasi tulaley ka, hahaha"
"Ah? Ehh kasi nagugutom na ako. Ok gutom na ako" palusot ko. Sana maniwala siya.
"Ahh kaya pala, sana nag order ka na kanina, ok lang naman sa akin na mauna ka ng kumain" sagot niya. Yes, buti naniwala siya, aylabyu tlaga bebe.
Sasagot sana ako at yayayain na siyang bumili ng pagkain kaya lang..
"Jade" pasigaw na sabi ni Andrei na biglang ikinatayo ng balahibo ko.
"Uy, Andrei kamusta? Balita ko naaksidente ka daw" aww bakit andito na naman si bakulaw? Hindi ba niya ako titigilan? Waaahh lupa, Sure na! kainin mo na ako dali!
"Ah eh oo pero ok na ako, wala naman masyadong nangyari sa akin."
"Mabuti naman kung ganun diba Alex" sagot ni Mamaw na Jade at nakangiti pa sa akin. Kaya nginitian ko din siya ng pilit.
"Bebe bibili na muna ako ng pagkain natin ha" pagpapaalam ko kay Andrei at saka nagmadaling pumunta sa may counter.
"Hay salamat" nasabi ko habang bumubuntong hininga.
"Bakit Alex may problema ka ba?, may tinataguan o tinatakbuhan? Para kang hinihingal eh." biglang nakarinig ako ng isang lalaking nagsalita mula sa likod ko.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
SonstigesSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...