Moment of Truth

5 1 0
                                    

*Keann's VP*

Pagkatapos kong makumpirma sa hinire kong private investigator na si Andrei nga ang taong matagal ko ng hinahanap, nakaramdam ako bigla ng galit kay Rein.

Pero mas lumaki ang galit ko ng ibalita din ng private investigator na kasalukuyang nawawala si Andrei. Bigla daw nagkabrown-out sa isang mall kung nasaan sila ni Alex at nang bumalik ang ilaw ay bigla nalang din siyang nawala.

Nagmadali akong pumunta sa mall pero nang nasa pintuan na ako ay hinarang ako ng guard.

"Sir pasensya na po pero bawal na pong pumasok, magsasara na po kasi ang mall." Sabi niya sa akin.

Hindi pa ako nakakasagot ng biglang may dumating na manager ng isang boutique dito sa mall.

"Magandang gabi po Sir Keann." Bati niya saka siya yumuko saglit at nagtanong "May problema po ba?"

Hindi pa ulit ako nakakasagot nang magsalita muli ang guard.

"Sir Keann? Kayo po si Sir Keann Choi? Naku po. Pasensya na po. Sorry po." At yumuko din sa akin.

Nakiyuko nalang din ako saglit saka nagmadaling umakyat sa may cinema kung saan daw huling nagpunta si Alex at Andrei.

"Good evening po Sir, this way po." Nakakapagtaka kasi binati ako ng isang crew ng cinema at inalalayan papasok ng cinema.

Habang papasok ako, naririnig ko ang isang pamilyar na boses.

Boses ko yun. At alam ko kung saan galing iyon.

Sa VBlog ko.

Pagdating ko ay agad ko siyang nakitang nakaupo sa harap ng malaking screen.

"Andrei" tawag ko sa kanya. Kasabay ng pagkarinig ko sa parte ng video kung saan ko sinabing.

I think, I'm alredy falling for her kahit na alam kong hindi pwede.

Na ikinabigla ko at naging dahilan din para mapako ako sa kinatatayuan ko, hindi na ako makagalaw.

*Andrei's VP*

Nakita ko si Keann na parang pagod na pagod. Tumakbo ba siya papunta dito? Bakit?

Gusto ko na sana tumayo at lapitan siya pero bigla kong naalala na nakalock pala ako dito sa upuan na may bakal.

Vblog # 128

"Pabalik na ako ng Korea para umattend ng isang business meeting at baka hindi na rin ako makabalik ng Pilipinas. Hindi ako nagpaalam kay Andrei kasi baka magbago ang isip ko at hindi na bumalik pa ng Korea. "

Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon