*Andrei's VP*Nasa malalim akong pag-iisip tungkol sa panaginip ko ng biglang dumating si Rein dito sa kubo. Nasa school kasi ako ngayon. Pinag-usapan naming mag-antayan dito para sabay na makapag-enroll for second sem.
"Parang ang lalim ata ng iniisip mo ha. Baka malunod ka niyan." Natatawa niyang sabi.
"Hindi naman may naalala lang." Sagot ko.
"Ano naman yun?" Tanong niya.
Dapat ko bang sabihin sa kanya? Baka hindi niya din maintindihan, wag nalang.
"Ah eh si Alex." Nalang ang sinagot ko.
"What about her?" Sunod niyang tanong. Oo nga pala. Nalungkot ako ng bigla kong maalala. "Why? May nangyari ba?"
"Umalis na kasi siya" tugon ko.
"Saan siya nagpunta?" Takha niyang tanong.
"Umuwi na sa Japan. Ang sabi niya she's staying there for good." Paliwanag ko.
"Talaga? Bakit naman kaya niya naisipang umuwi bigla?" Sunod pa niyang tanong.
"Hindi ko rin alam. Sinubukan ko siyang tawagan kagabi pero cannot be reach na siya. Siguro nakasakay na siya, o kaya nakarating na ng Japan."
"Tinry mo na bang imessage sa FB?"
FB? Oo nga no, bakit hindi ko naisip yun.
"Hindi pa eh." Dinukot ko ang phone ko sa bulsa ng bag ko saka nagbukas ng FB. "Teka ha."
"Sure... also don't forget to accept my friend request." Pahabol niya.
"Sige pagkatapos kong magmessage." Sagot ko.
"Sige iiwan muna kita saglit dito ha may pupuntahan lang ako, babalik din ako agad." Paalam niya.
"Wag kang matagal ha baka maclosan tayo sa enrollment." Sigaw ko kasi medyo nakalayo na siya, patakbo kasi siyang umalis.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
DiversosSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...