*Rein's VP*"Ok na po lahat sir." Sabi sa akin ng isang crew dito sa lugar kung saan ko pinaplanong magtapat kay Andrei.
"Salamat."
Agad kong kinuha ang phone ko at dinaial ang number ni Alex.
Oo may number na ako niya. Diba nga nagpapatulong ako sa kanya. Pero sa totoo lang matagal na akong may number niya kaya lang hindi pa kasi kami close noon.
"Hello Kuya Rein?" Bungad niya.
"Hi. Kamusta diyan?" Tanong ko.
"Ok naman lahat dito kuya, hindi pa naman siya nakakahalata."
"Sige, tatawagan ko na din si Keann para may kasama ka mamaya dito."
"Naku kuya wag na, busy yun ngayon sa trabaho. Alam mo na sabado ngayon.""Sabagay pero maghahanap pa rin ako ng makakasama mo mamaya. Mahirap na baka may mangyari pa sayo"
"Salamat Kuya pero kaya ko naman ang sarili ko."
"Pasaway ka talaga. Sige bye na muna."
Ang saya niya talagang kausap. Ang kulit kasi niya.
Pero kahit siya hindi rin niya alam kung ano ba talaga ang pinaplano ko para mamaya.
Hindi pa naman ngayon ang birthday ni Andrei. Bukas pa, pero gusto ko nang gawin agad ito ngayon.
*Andrei's VP*
"Aray" angal ko.
"Ayy sorry bebe"
Nakailang aray na ako at nakailang sorry na din siya habang binubunutan niya ang kilay ko.
Ewan ko ba pero ang aga aga palang eh andito na agad siya sa bahay. Parang mas excited pa ata siya sa birthday ko bukas eh kesa sa akin.
"Ayan, perfect." Bumaba siya sa may kama saka kinuha anh salamin at pinakita sa akin.
"Hindi ba ako mukhang mataray nito?" Tanong ko sa kanya kasi naman paranh sobrang nipis ng ginawa niya sa kilay ko.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
SonstigesSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...