*Andrei's POV*
Nagmamadali akong pumunta sa library kasi 4:40 na late na ako, baka naiinip na si Keann dun o kaya naman baka umalis na.
pagpasok ko ng library ayun nandun siya sa table na madalas namin upuan.
Good, buti hindi pa siya umalis. lumapit ako at napansin kong natutulog ata siya, may nakalagay na headphones ehh. anlaki na kulay puti. uyy Beats by Dr.Dre. pero ang napansin ko talaga sa kanya ehh yung mukha niya.
ang amo ng mukha. para siyang sanggol na natutulog, ang kalmado ng mukha.
aww yung lips niya ang pula. ang sarap ha–. ayy anu ba yan. pinag iisip ko. erase erase.
bumalik ako sa pagtitig sa mukha niya habang nakaupo ako sa may harap niya.
pero bigla siyang dumilat.
O_O
kaya bigla akong napatingin sa iba. did he just caught me staring at him while he's sleeping? did he? sana hindi please, please!
"nandiyan ka na pala, kanina ka pa ba?" tanong niya habang nakatingin ako sa may bintana. feeling ko kasi namumula ako.
"kararating ko lang din, nalate ako, sorry" nakatingin parin sa may bintana. tapos nag inhale exhale ako ng 3 beses at humarap na sa kanya.
"eto oh" sabay abot niya ng isang paper bag.
"Ah eh ano yan?" tanong ko, pero hindi siya sumagot at mas lalo lang inilapit sa akin yung paper nag at bahagyang tumamgo na parang sign na kunin ko.
Kaya yun inabot ko nalang at tinignan.
Huwaw Mcdo fries at float ulit. Yes ulit. hehe diba nung nalate siya binilhan niya din ako nito. Pero ako naman yung late ngayon ha.
Tumingin ako sakanya.
"Nalate ako, kararating ko lang din" bigla niyang sabi.
Eh? defensive lang di naman ako nagtatanong haha. Pero kakarating daw?
Eh bakit anlamig na nung fries tapos lusaw na yung ice ng Float? haha
"Ah eh, ano" sabay turo ko dun sa nakapaskil na foods are not allowed inside. ewan ko ba nung nakaraan wala namang ganung kaetchosan dito.
"Hapon na daw, kaya ok lang" sabi niya
ngumiti nalang ako at kumain.
Habang siya naman pinasasagutan ko ng short quiz. haha buti nalang nakagawa ako kagabi ng short quiz para sa kanya.
Pagkatapos kong kumain at pagkatapos niyang mag exam,
nagsimula na kaming mag-aral....
"alam mo mas madali daw mag aral ng english kapag nanunuod ka madalas ng english films o di kaya shows, basta english yung language na gamit" bigla kasi kaming napunta sa topic na about sa films, kasi yun yung nasa book.
"talaga?" tipid niyang sagot. napaka nagger talaga nito. tipid lage yung sagot tapos ang seryoso pa.
"oo, tested and proven yan!" sabay ngiti with two thumbs up pa.
"kaya ba magaling ka mag english?" he said with siyempre poker face.
"hmm hindi naman, actually japanese and korean dramas ang hilig ko." pagpapaliwanag ko.
"jinjja?" (korean word which means "really") aba at nagkorean pa.
"ne, arasso?" (yes, understand?) oh ha diba naintindihan ko siya.
BINABASA MO ANG
Oh, Chinito! (Untitled LoveStory)
DiversosSi girl, super adik sa Korea. Anything na may kinalaman sa Korea, gusto niya. Then one day nagkaroon ng chance na matupad ang pangarap niya na makapunta sa dreamland niya pero imbes na mag-enjoy siya, nasira ang bakasyon niya dahil sa isang lalakin...